Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/29/2025
Panayam kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ukol sa update ng BIR sa paglabas ng Revenue Memorandum Circular No. 372025 para sa CREATE MORE Act.

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago tayo magtungo sa ating talakayan, hiin mo na tayo ng update mula kay Commissioner June Lumagi sa BIR.
00:05Kung June, anong layunin ng BIR sa paglabas ng Revenue Memorandum Circular No. 37-2025, kaugnay nitong Create More Act.
00:14Paano po mas pinadali ang VAT refund claims kaugnay nito?
00:18Ang layunin nitong inisyo natin na RMC 37-2025 ay para mas padaliin ang mga pagclaim ng mga VAT refund.
00:27Dahil marami sa ating mga negosyante ang kinakailangan na mag-refund ng kanilang mga tinatawag na value-added tax na binayaran.
00:37So sa ilalim nito, mas pinaksin natin na nagtanggal tayo ng mga iba't ibang documentary requirements
00:43at para mas alingsunod din yan sa ease of doing business na layunin ang ating mahal na Pangulo.
00:49Sir, paano naman nakikinabang yung mga taxpayer, lalo na yung exporters, sa bagong sistema ng VAT refund?
00:55May mga pagbabago po ba sa requirements para sa VAT refund claims?
00:59Well, isang malaking pagbabago dito sa mga exporters dahil nung una, kinakailangan ng proof ng mga in-export nila.
01:11So ngayon, hindi na rin yan kinakailangan.
01:15Tapos marami rin tayong mga tinanggal na mga original, yung mga original na invoices na kinakailangan isubmit before,
01:24ay ngayon hindi na kinakailangan.
01:26Pwede na yung mga certified true copies ng kanilang mga invoices na nagamit dyan.
01:30At marami rin tayong iba pang mga at siguro mga tatlo pang documents na hindi na natin kinukuha ngayon at hinihingi.
01:38Katulad ng proof of registration from the Securities and Exchange Commission or sa DTI kung sole proprietor ito.
01:44At meron din tayong mga tinanggal na rin like yung kopya ng mga import entry and internal revenue declarations
01:51at yung mga informal import declaration and entry or single administrative documents.
01:56Yan ang mga tinanggal natin ng mga documents para mas mapadali ang kanilang pag-claim ng mga battery fund.
02:02Para naman dun sa mga refund claim ng exporters na saklaw ng bagong batas,
02:06hindi po ba kailangan magbigay sila ng documents of actual export or goods of goods or services tulad ng dati?
02:13Paano niyo po masisiguro na yung integrity nitong process?
02:16Tapos ngayong simula ng April 1, 2025, dahil dito nag-take effect yung batas at yung mga regulations natin.
02:25So simula ng taxable period ng April 1 onwards ay hindi na namin yan hihingin.
02:30Meron na tayong agreement with the DTI, yung Export Marketing Bureau,
02:36na siya naman ang magbibigay ng patunay na talagang nagkaroon ng export.
02:42Kasi dati hinihingi namin yan, lahat, katulad ng mga bill of lading,
02:45eh hinihingi namin yan sa mga exporters patunay ito na talagang meron kayong binenta at meron kayo talagang in-export.
02:52Ngayon, pinadali natin ang proseso sa pagkikipag-coordinate sa DTI,
02:56again sa Export Marketing Bureau, ay meron tayong nilagtaan na MOA na sila ngayon na magpapatunay yan.
03:02Ang hihingi na lang namin dyan ay yung certification at sila na ang mag-examine yan.
03:07So may kanya-kanyang role ang bawat isa para hindi na rin mag-doble-doble ang mga requirements
03:12at pag-iimbestiga kung talagang merong mga in-export ang isang entity.
03:17Sir, paano naman yung mga claim na may kinalaman sa capital goods na in-import?
03:21Paano nakakatulong yung pagbabago din sa requirement mula sa BOC Revenue Accounting Division Certification?
03:27Ang dati kasi kapag ka-capital goods yan, meaning ito yung mga in-amortize mo over a period of time.
03:33Dahil merong kang in-export or merong kang binili na capital lang may tuturing.
03:40So ibig sabihin yan, hindi yan isang beses mo lang i-deduct doon sa gagamitin mong expense.
03:45So dati, ang gagawin natin dyan, paulit-ulit yung pag-submit ng dokumento na mag-re-refund.
03:54Pero kahit na iisang item lang yan.
03:56So sa simula pa lang, nung kinuha nila itong mga gamit nila, na-submit na yan sa aming ahensya.
04:01Ngayon, hindi na namin yan paulit-ulit ihingin.
04:04I-honor na natin yung unang certification na na-issue ng BOC Rad na certification patungkol dyan sa mga capital goods na yan.
04:15At least hindi na ganun ka.
04:16Hindi paulit-ulit, yes.
04:17So ano naman po inaasahan ng BIR sa epekto ng Create More Act pagdating sa investor confidence at ease of doing business sa Pilipinas?
04:25Ang inaasahan po natin, dahil ang expectation natin makikita ng mga dayuhang investors na seryoso ang pamahalaan na pagbutihin ang pagninegosyo at padaliin ang pagninegosyo dito sa ating bayan.
04:39So we're hoping that it will encourage foreign investors to do business here in the Philippines.
04:45That yan naman ang layunin ng Create More at yung mga ginagawa natin na padaliin ang pagninegosyo at padaliin ang pagbabayad ng buis.
04:53So hopefully with all these changes at hindi pa rin naman tayo titigil dyan, patuloy din ang pag-examine natin kung ano ang pwede nating streamline ng mga proseso para mas mapadali pa ang pagninegosyo sa ating bayan.
05:05I'm not sure kung totoo itong nabasa ko na parang may dalawang foreign companies na gustong magnegosyo dito, Pharma, pero tatagalan sila doon sa isang agency na magpa-approve.
05:17Hindi ko alam kung nakarating sa inyo na ganoon. Ano po ba ang nauuna doon sa agency na concerned sila or sa BIR?
05:22Nauuna ang, kasi ang BIR mostly nasa second part yan. Dahil pagka merong magtatayong na negosyo, kailangan muna nilang mag-establish ng presence dito sa Pilipinas.
05:33So ibig sabihin yan, it's either sa SEC sila pupunta or sa DTI para mag-establish muna ng juridical entity.
05:41At pagkatapos yan, saka tayo, saka sila pupunta sa BIR for registration naman kung ano yung mga taxable mga activities nila.
05:50So yan yung, ano, pero as far as we're concerned, pinapadali natin yan.
05:55And alam ko, lahat naman ng ahensya ng gobyerno ay sinisikap na pagbutihin ang mga proseso at padali ng mga proseso.
06:03So kung ano naman yung dapat gawin ng mga negosyo o individual na na is mag-claim ng battery funds sa ilalim nitong bagong patakaran.
06:10May inilaan po bang BIR assistance desk, website update o hotline para tumulong sa mga taxpayer tungkol sa bagong proses po?
06:18Well, ang tungkulin, ang dapat gawin ng mga negosyante na nagnanais mag-refund ay siguraduhin na tingnan yung mga regulations na ini-issue natin para masiguradong nakakapag-comply sila.
06:30Again, pinababa po natin ang numero ng mga requirements, pinapadali po natin.
06:34At sa parte naman ng BIR ay patuloy ang ginagawa namin na information dissemination.
06:40Marami tayong ginagawang webinars at pinapublish din natin yung mga issuances natin para masigurado na nakakarating sa mga taxpayers natin ito.
06:50So patuloy ang ginagawa nating information dissemination at pinaparating po natin sa kanila kung ano man yung mga pagbabagong ginagawa natin sa mga proseso patungkol sa pagbubulis.
07:01Sir, last week, pinangunahan ninyo yung Philippine Negotiating Panel para sa Double Taxation Agreement with Hong Kong Special Administrative Region.
07:11Ano yung natalakay at naka napagkasundoan dito?
07:14Ang pinag-uusapan dito, ang tinatawag natin dito, it's a comprehensive agreement on double taxation.
07:20So, ang layunin ng pinag-uusapan natin dito ay maiwasan yung double taxation, yung issue na yan dahil, syempre, unfair din naman sa ating mga kababayan or yung sa Hong Kong din naman na nabubwisan na doble-doble yung binabayaran.
07:35Nagbabayad dito sa Pilipinas, nagbabayad dun sa Hong Kong.
07:38So, nagkakaroon tayo ng mga kasunduan at ito nga naganap last week, itong negotiations natin.
07:45So, pinag-uusapan natin sino-sino ba ang mga saklaw at ano-ano yung mga taxes na pwede natin nga pag-uusapan at paano yung magiging sistema kung saan ba talaga dapat magbabayad at kung saan hindi.
07:56Tsaka kung magkano, kung pantay ba, baka mas mataas yung Pilipinas or yung Hong Kong.
08:01So, yun yung mga terms, mga substantive terms. So, yan ang mga pinag-uusapan, mahaba-habang proseso at dahil mahaba-haba din itong treaty na kinakailangan na ultimately mapag-agrehan ng bawat panig.
08:16Sir, ano naman po yung mga mekanismo na pinag-uusapan para mapadali yung tax relief at kooperasyon sa pagitan ng BIR at Inland Revenue Department ng Hong Kong?
08:25So, again, marami tayong pinag-uusapan. So, yun nga, yung mga saklaw.
08:29Pinag-uusapan din natin dyan kasi yung batas nila kasi kinakailangan din natin intindihin kung saan sila nang gagaling kapag meron din silang mga provision na hindi panig dun sa atin.
08:41At sila rin, ina-explain din natin ano ba ang limitations din natin.
08:44So, marami tayong nagiging coordination at saka yung mga proseso na nandoon, tipapaloob yan, doon sa magiging treaty na hopefully ay ma-reach natin when the time comes na pag nakumpleto na natin yung pag-uusapan.
08:59Maraming proseso yan. So, yung proseso rin ng pag-claim ng exemption na yan ay pwede rin through yung advance na alam agad na hindi na dapat sisina through ruling or na-covered ka dun sa tax treaty relief.
09:14Or pwede rin through a refund eventually kung nagbayad ka at hindi dapat at mapapakita ng isang taxpayer na saklaw siya nitong treaty agreement na ito ay pwede rin mag-claim ng refund.
09:25Sir, meron na po ba ang petsa o lugar para sa susunod na round nitong negotiation?
09:30Wala pang exact na exactong petsa. Pag-uusapan pa yan. Pero as to sa lugar ay most likely dito naman yan sa ating bansa. Sila naman ang bibisita sa second round of negotiations.
09:43Okay, maraming salamat sa iyo, Comjuns, sa mga binahagi mo na update mula sa BIR.

Recommended