00:00Samatala, bumaba ang presyo ng langis kada bariles, ayon yan sa Energy Department.
00:05Ito'y dahil sa paghupa ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
00:10Nakiusap din ang DOE sa mga kumpanya ng langis na huwag nang magpatupad ng dagdag presyo.
00:16Yan ang ulat ni Clay Zell Fardilia.
00:19Nalagasan ang kita ang jeepney driver na si Lito. Ngayong araw kasi, ipinatupad ang dagdag presyo sa produktong petrolyo.
00:30Mahirap po talaga pag matas yung presyo ng diesel, gawa ng mapupunta lang yung kita namin, mapupunta lang doon sa diesel.
00:38Gano'n pa nang pagkikinayang?
00:41Ano po, pambilisan na ng mga baon ng mga anak namin, garat, tapos yung ulam.
00:48Malakihan dapat ang umento sa presyo ng krudo, pero ginawang utay-utay, matapos ang pakikipagpulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kumpanya ng langis.
01:00Ang nasa 5 pesos na taas presyo sa diesel, binawasan at ginawang 2 pesos and 60 centavos muna.
01:08Ang hanggang 4 pesos and 70 centavos sa umento sa gaas, 2 pesos and 40 centavos muna.
01:15Habang ang 3 pesos and 50 centavos sa gasolina, 1 peso and 75 centavos muna.
01:22Ang natitira, nakaambang ipatupad sa June 26.
01:26Pero ayon sa Department of Energy, bumaba na sa 68 dolyar ang presyo ng langis mula sa higit 70 dolyar kada bariles.
01:36Matapos ang paghupa ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
01:40Kaya ang DOE pakikiusapan ng mga oil company na huwag nang magpatupad ng dagdag presyo.
01:47Hikaya't hindi na magbigay ng diskwento sa mga tsuper.
01:50Yung other half na na stagger, can it be negosyable pa?
01:54And that's for them to decide. It's another act of kindness on their part if they do so.
02:00But rest assured that DOE will attempt, will try to talk to the oil companies. Thank you.
02:07Sa ilalim ng oil deregulation law, liberalize o bukas ang kompetisyon sa industriya ng langis.
02:13Kaya walang kontrol ang gobyerno sa pagtatakda ng presyo ng produktong petrolyo.
02:18Sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang economic team,
02:25tiniyak ang nakahandang paglalabas ng ayuda sa mga tsuper, magsasaka at mangingisda,
02:30sakaling pumalo sa $80 per barrel ang presyo ng langis.
02:34Pinag-usapan ang epekto sa transportasyon, agrikultura at remittance
02:39sa mga overseas Filipino workers na naipit sa gulo sa Middle East.
02:43Pero tigil na ang putukan sa pagitan ng Iran at Israel sa ngayon.
02:47Kaya positibo ang economic team na hindi na ito magdudulot ng malaking epekto sa Pilipinas.
02:55The conflict has subsided and the prices have gone down.
02:59Maliit lang talaga yung impact that I don't think it's alarming for our economic managers.
03:05Kaleizal Pardilia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.