00:00Handa na ang air assets ng Armed Forces of the Philippines na tutulong sa repatriation ng mga Pilipinong nasa Israel at Iran.
00:08Samantala, patuloy namang umaanin ng suporta ang panukalang magpapalaka sa National Food Authority para tiyakinang sapat at murang supply ng bigas sa bansa.
00:18Yan ito pa sa Express Balita ni J.C. Cruz.
00:21Nakahanda na ang Philippine Armed Forces para maisakatuparan ang paglilikas ng mga Pilipinong nasa gitna ng girian sa gitnang silangan.
00:31Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni Philippine Air Force Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo na nakastandby na ang kanilang mga air assets,
00:41gaya ng C-130s at C-295s na aniay malaki ang kapasidad para makapag-evacuate ng mga kababayang nasa gitna ng conflict zones.
00:50Dagdag pa niya, nakastandby din ng mga medical teams at ground personnel na ipapadala kasama ang repatriation team ng AFP.
00:58Muling magbabalik sa National Food Authority o NFA ang kapangyarihan makialam sa merkado ng bigas.
01:04Sa bagong panukalang batas ng Department of Agriculture na putuloy na sinusuportahan ng Kamara,
01:09layong ereforma ang NFA upang mapigilan ang biglaang taas presyo,
01:13limitahan ng importasyon sa panahon lamang ng kakulangan,
01:16protektahan ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng fluoride system.
01:20Ayon kay NFA Administrator Larry Laxon,
01:24sapat na sapat na ang supply ng bigas para sa programa
01:26at pinagpaplanuhan na kung paano ito masusustain hanggang sa taong 2028.
01:33Dinagsa ng mga profesional ang dinaraos na trade fair ng Livestock Philippines at Aquaculture Philippines.
01:39Layuning matugunan ng livestock, poultry, and aquaculture industries na tumaas ang demand ng pagkain sa bansa
01:46sa pamamagitan ng modernization at innovation.
01:49Isang daan at dalawang putatlong Philippine Coast Guard personnel ang nakilahok sa pangalawang trilateral maritime exercise.
01:59Ito ay sa pagitan ng PCG, Japan Coast Guard, at United States Coast Guard,
02:05kung saan tumutok ang pagsasanay sa search and rescue, communication, maneuvering, at iba't ibang mahalagang operasyon.
02:11Jayco Cruz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.