Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/10/2025
Panayam kay Commissioner Romeo Lumagui Jr. ng Bureau of Internal Revenue ukol sa update sa mga isyung hinaharap ng ahensiya

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kasama natin si BIR Commissioner Romy Lumagi Jr. para magbigay din ng update sa mga isyong hinaharap ng ahensya.
00:07Comjun, magandang mahalit. Welcome back dito sa Bagong Pilipinas.
00:10Maraming salamat din at lagi natin gustong nandito sa Bagong Pilipinas.
00:15Com, ano po ang update sa kasong isinampalaban sa isang kilalang cosmetics company at ano po ang nakatakbang penalty nito?
00:23Well, kinatigan tayo ng Department of Justice sa reklamo nating tax evasion.
00:28Sa ngayon kamakailan ay nag-file na sila sa korte ng kasong kriminal laban sa mga opisyal ng naturang kumpanya.
00:36Dahil napatunayan natin na may paglabag sila ng tax evasion at failure to supply correct information sa kanilang mga returns.
00:44At parusang posible nilang ikaharap ay may kasamang pagkakakulong na hanggang sampung taong pagkakakulong ko.
00:53Sinong makukulong doon?
00:55Yung mga may-ari, yung mga opisyalis ng kumpanya.
00:59Sir, meron ba po bang ibang malalaking kumpanya na hinahabol ang DIR dahil sa paggamit ng mga peking resibo?
01:04Ano po ba yung mga hakbang para matigil na yung paggamit nitong mga peking resibo?
01:09Marami yan o. Patuloy ang ginagawa natin na paghahabol sa mga naggungagamit ng mga peking resibo na ito.
01:17Kaya po yung aming tinayong run-after fake transactions ay patuloy na umuusad.
01:23Marami na pong nakasuhan at lahat po so far ng mga kasong na isinampanamin sa Department of Justice
01:29ay kinatigan din po tayo ng DOJ at nagsampa na po isang kasong kriminal sa korte.
01:35At marami pa po tayong aabangan ng mga kaso at patuloy pa rin ang pagsampa namin ng kaso
01:41at pag-audit at paghahabol dito sa mga gumagawa at gumagamit ng mga peking resibo.
01:48At pinaiting din natin ang data analytics.
01:51Sinisigurado rin natin na lahat ng mga taxpayers ay dapat na mag-submit ng lahat ng mga forms na kinakailangan
01:59dahil dito marami na tayong naikitang mga pagbabago na ginagawa ng mga taxpayers
02:06dahil nga nahuli natin itong mga paggamit ng mga peking resibo.
02:11So inaabangan natin kung ano yung next step nila.
02:14At inuunahan na natin sila kaya naman na meron tayong pinigting na data analytics
02:19at yung mga mandatory submission ng mga summary list of sales and purchases
02:24at yung mga alpha list na tinatawag natin.
02:27Kaya yan, patuloy ang gagawin natin dyan.
02:29At hopefully, matigil.
02:30Pero marami na rin naman tayo nakitang pagbabago sa mga taxpayers
02:33at yung mentality nila at hindi na gumagamit ng mga peking resibo.
02:40Speaking of resibo, ito yung tinanong ko po sa inyo kanina.
02:43Yung tungkol naman dun sa pag-migrate from OR to invoice.
02:47Kung meron po yung namomonitor na may gumagamit pa nito
02:49or dapat naubos na by this time yung mga stock nila na nakalagay pa na OR.
02:54Dapat invoice na.
02:54Dapat na na-convert na ang lahat ng mga official receipts to invoice.
02:59Dapat last year pa yan.
03:01Kaya paalala din po natin sa mga taxpayers na dapat po invoice na ang ginagamit.
03:06Kasi nung January or February, nung nag-ikot po tayo,
03:11ay may nakita pa rin naman tayo na hindi pa na-convert.
03:13So, kinakailangan ma-convert po yan.
03:15Ito, Com, last year ay naabot ng BIR yung collection target na 2.85 trillion pesos.
03:22Ano pong collection target ngayong taon at gaano po kakumpiyansa ng BIR na maaabot ito?
03:29Ngayong taon na ito, ang collection target na naiata sa atin ay nasa 3.23 trillion pesos.
03:35At tingin naman po natin na with all the efforts at lahat po ng mga programang ginagawa po natin
03:42at sa tulong ng mga ating mga empleyado, yung pagsisipag nila
03:46at nakikita naman natin na nagtatrabaho ng mabuti ang ating mga empleyado
03:51at sa tulong din ng mga taxpayers, nakikita rin naman natin na marami na rin talaga
03:56nagko-cooperate ng mga taxpayers at nagbabayad ng tamang buis.
04:00So lahat-lahat po ito, tingin naman po natin ay makakamit natin ang collection target ngayong taon na ito.
04:06In fact, first few months, itong January, February hanggang March,
04:10ay maganda ang naging collection po natin.
04:13Sir, sa datos ng Bureau of Treasury, may budget deficit ang ating gobyerno
04:17ng 171.4 billion pesos ngayong Febrero.
04:22Paano po nakikipagtulungan ang BIR para matugunan ito?
04:25Sa parte ng BIR, sinisigurado natin na mas pinating natin ang pangungolekta ng buis
04:33dahil kapag hindi tayo nakapag-perform ng maayos, ay talagang lalaki ang budget deficit.
04:39Kaya naman sinisigurado natin na kung ano man ang naiatas sa atin ng collection target,
04:45ay dapat natin makamit yan.
04:46Kaya pinag-tsatsagaan pati kalagang pinaguhusayan natin
04:49at ginagawa natin lahat ng makakaya natin para makatulong at makapagbawas dito sa budget deficit.
04:56Sir, kamusta naman po yung tax collection dito sa ating mga social media
05:00or mga vloggers, mga creators na ganyan na tinataksan na sila ngayon?
05:05Ngayon, dahil last year, marami tayong ginawang coordination sa mga social media influencers
05:11at patuloy ang pag-coordinate natin sa kanila at pag-educate.
05:15So matagal-tagal na proseso yung ginawa natin na pag-communicate sa kanila
05:20dahil nakikita naman natin na marami sa kanila talaga na hindi lamang alam
05:25na kinakailangan nila magrehistro at magbayad ng buis sa mga kinikita nila sa mga pag-vlog nila.
05:31Kaya ngayon, marami na sa kanilang nakakaintindi
05:34at marami na rin nagre-rehistro at nagbabayad ng tamang buis.
05:37Although, marami pa rin o meron pa rin dyan na hindi pa rin na nagrehistro at nagbabayad
05:44kaya naman nakatutok pa rin tayo dyan.
05:46So, so far, marami na rin naman compared dun sa previously.
05:49Maraming improvements.
05:51But then again, meron pa rin iba kaya patuloy din ang gagawin natin.
05:54So yung mga hindi pa nagbabayad, hinahabol nyo ito,
05:57meron po ba kayong sinasabi na pwede silang makasuhan din
06:00para makonsider sila na tax evaders din?
06:03Yes, sinasabi po natin yan.
06:05Pagka hindi pa rin sila magrehistro at magbayad,
06:08ay posibleng umarap sila sa isang kasong kriminal.
06:13Kaya patuloy din yung pag-audit natin.
06:15So sinusulatan natin sila para masigurado na alam nila kung anong kinakailangan nilang gabay.
06:20Sir, gaano na po ka-efektibo yung inilunsad ng DIR na digitized services
06:25para sa filing ng income tax?
06:27At tingin naman po natin efektibo ito dahil nakikita natin na kukuunti talaga ang nagpupunta sa ating mga opisina
06:36dahil lahat po nito ay dapat online nagpa-file.
06:39Ito pong electronic filing and payment system natin at yung sa EBIR form.
06:44So lahat po ng mga digital online tools natin ay gumagana po at in-improve po natin lalo na po ngayong filing season.
06:53Kaya nakita po natin na efektibo po kasi nababawasan po talaga ang pila sa ating ahensya.
07:00Ito sir, last na lang.
07:00Ano pong inyong paalala tungkol sa filing ng 2024 income tax return?
07:05April 15 ang deadline. Masasagasaan yung Holy Week.
07:08So wala na po bang extension?
07:10Wala na pong extension.
07:12Ang deadline po natin ng pag-file ng 2024 annual income tax returns ay ngayon pong April 15, 2025.
07:21Wala na pong palugit.
07:22Ulitin po natin dahil nagsimula na po tayo ng kampanya ng as early as February
07:27at gumagana po ang online facilities po natin.
07:31At nagkaroon din po tayo ng extension ng mga banking hours from 8 to 5.
07:38In fact, noong sabado, noong nakaraang sabado ay bukas ang aming mga opisina para tumanggap po ng mga returns.
07:44At ito pong pagbayad po, yung mga bankory po nagbukas noong sabado.
07:49At ngayong sabado rin po ay bukas ang aming opisina para asistante sa pag-file at pagbabayad ng mga inyong returns.
07:56So, siguraduhin po natin na mag-file po tayo para naman po dun sa specific yung pagbabago po kasi ng EOPT
08:03yung sa mga micro and small taxpayers ay may option po tayo na gamitin ang online facilities po natin
08:13using the old BIR form 1701 and the 1701A.
08:17Pero kung gusto po natin gamitin ang bago pong forms, yung mas pinaiksi po natin na form,
08:23ay pwede pong mag-manual filing at yan po yung 1701MS na form para dun sa updated forms po.
08:31So, muli po, siguraduhin po natin na mag-file po tayo at magbayad po tayo ng tamang buis on or before April 15
08:38sa pamamagitan ng online na facilities natin ng EFPS or Electronic Filing and Payment System
08:43at yung EDIR forms na matatagpuan na sa ating website www.bir.gov.ph.
08:51Kung wala po kayong internet ay wala rin pong problema yan.
08:54Pumunta po sa aming mga opisina, pwede po kayong pumunta sa aming mga e-lounges.
08:58Lahat po yan meron e-lounges. Libre po ang paggamit niyan.
09:02May computer po dyan at may internet po at tutulungan po kayo ng aming mga revenue officers
09:07para ma-fill upan itong mga forms na ito at makapag-file at makapagbayad ng tamang buis.
09:13So, iwasan po natin ang penalties dahil kapag ka po hindi po natin nagawa yan on or before April 15
09:18ay may kakibat na interest sa 12% at surcharge sa 25%.
09:23So, iwasan po natin ito. Siguraduhin po natin na magawa po natin on or before April 15.
09:28So, dun sa mga magbabakasyon, dapat asikasuhin na nila ito.
09:32Kung uuwi sila sa weekend at kanilang mga probinsya, dapat bago mag-Saturday,
09:37asikasuhin na nila ito, huwag na tayong hintay ng deadline.
09:41Tama po. Dapat mas maaga, mas maganda.
09:45Okay, maraming salamat sa updates, Commissioner June Lumagi.

Recommended