Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa matinding ulan at baha sa ilang lugar sa Benguet,
00:03Calvario rin para sa maraming residente ang kaliwat kanang landslide.
00:07Bula sa Baguio City, nakatutok live si EJ Gomez.
00:11EJ.
00:14Ivan, malaking dagok sa mga apektadong pamilya.
00:19Ang nangyari sa kanila, yung pagbangon daw muli,
00:23yung kailangan nilang gawin,
00:25dulot ng or pagkatapos ng kabi-kabilang landslide.
00:30Sa videong ito, kita ang malakas na ragasan ng tubig, putik at mga bato sa krik
00:41sa Sitcho Akupan, Barangay Birag sa Itogon, Benguet.
00:45Isa sa mga nawalan ng tirahan, ang 67 anyos na si Agustina.
00:50Talagang total washout na yung bahay ko na tinirahan ng mga anak ko.
00:56Pero masakit talaga yung bahay.
01:00Yung family house namin kami ang nagpundar na mag-asawa.
01:03Umiiyak ako, masakit sa anong damdamin na ano.
01:07Naypundar ng ilang taong, ganun ang nangyari.
01:11Ito pong hinahawakan ko ay bahagi nitong hanging bridge na nasira dulot po ng nangyaring landslide.
01:19Sa bahaging ito naman po, nakatirik ang maraming bahay na tinangay ng malakas na ragasan ng putik at bato mula sa bundok.
01:28Aabot sa mahigit limampung bahay ang nasira ng landslide, kabilang ang bahay ni Nagilberto, na ilang dekada nang nakatirik sa bundok ng Itogon.
01:39Ngayon, mas grabe kasi natabunan yung kanay, yung mga bahay.
01:44Noong last year, nangyari ito. Ngayon, nangyari rin. Kaya medyo mahirap sa kalooban.
01:55Damay rin ang Akupan Elementary School na pinasok ng putik at lupa.
02:00Ayon sa mga otoridad, Uwebes nagsimula ang landslide.
02:03Pero dahil sa walang tigil na ulan kahapon, lalong lumambot ang lupa.
02:07Yung mga tao doon na pagsabihan na namin lahat, na lumikas na na sila mga isang linggo ng mahigit.
02:13Wala namang injuries, walang nagmimina doon. Talagang natural na bumigay lang yung lupa.
02:20Dahil sa bantang panganib ng landslide, mga residente lang ang pinapayagang makapasok sa lugar.
02:26Nagka-landslide din sa Sitcho Talingoroy, Barangay Wangal sa La Trinidad, Benguet.
02:31Isang individual ang pinaghanap ng mga otoridad.
02:34Sa Scout Baryo sa Baguio City, nag-collapse ang isang water refilling station.
02:40Sabi ng mga otoridad, bukod sa malakas na ulan, may pagguhukay sa lugar kaya bumigay ang istruktura.
02:46Wala namang nasaktan.
02:47Sa Camp 6 Cannon Road, bumigay ang kinatatayuan ng isang rock shed.
02:52Hindi muna pinadadaanan ang kalsada at pinag-iingat ang mga residente dahil sa patuloy na pagbagsak ng mga bato.
02:59Kahapon, may rock slide din sa bahagi ng Cannon Road sa Tuba, Benguet.
03:04Iban, kaninang alas 2 ng hapon, medyo sumilip ng panandalian yung araw dito sa Baguio City.
03:15Ang ulan naman, medyo humina kumpara kahapon pero pabalik-balik yan.
03:19Ngayon, ang fog mas kumapal nitong nagdaang oras.
03:22Itong nasa aking likuran ay hile-hilera na mga bahay dyan sa bundok.
03:26Pero from time to time, nawawash out yan o totally hindi nakikita dahil nga sa kapal ng fog.
03:33Ang temperature ngayon dito sa Baguio City ay nasa 20 degrees Celsius.
03:38Umuulan, tapos malamig, kaya naman talagang kailangan mag-jacket sa mga panahon na ito.
03:43Yan ang latest mula po dito sa Baguio City.
03:46Ivan?
03:47Maraming salamat, EJ Gomez.

Recommended