Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/14/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi po maikakaila ang kahalaga ng cellphone sa araw-araw.
00:04Pero para po sa iba, sagabal ito sa pag-aaral.
00:08Kaya ang tanong namin sa mga netizen,
00:10pagbabawal sa mga cellphone at gadget tuwing oras ng klase,
00:15yes or no?
00:17Ang kanilang sagot sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
00:24Party na sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao ang paggamit ng cellphone.
00:29Bukod sa pagtawag, text at video call,
00:32libangan ang karamihan ng paggamit nito.
00:34Napapadali rin ang pag-order ng pagkain, pagpapadala ng pera at marami pang iba.
00:39Kahit sa pag-aaral, nagagamit din ang mga estudyante ang cellphone.
00:43Pero may ibang nagsasabing distraction nito sa pag-aaral.
00:46Sa Senado, may nakabimbing panukalan na inihain noong isang taon
00:50para i-ban ang cellphone at iba pang gadgets sa maeskwelahan kapag oras ng klase.
00:56Kaya ngayong pasokan na ulit,
00:57tanong namin sa mga netizen,
01:00dapat bang ipagbawal ang cellphone at gadgets sa loob ng paaralan?
01:04May mga hindi sang-ayon.
01:05Ayon sa isang nag-comment ng no,
01:08bagamat mahalaga raw ang cellphone sa panahon ng emergency
01:10para makontak ang mga bata,
01:13dapat daw matiyak na nakatago ang mga gadgets habang nagkaklase
01:16para makatulong na makapagfocus at matuto.
01:20Hindi rin pabor ang isa pang netizen,
01:22dahil noon pa man daw ay wala ng gadget.
01:24Mas matatalino at marespeto rin daw ang mga bata.
01:28Komento naman ang isa,
01:30payagan ang cellphone na pwedeng gamitin sa oras ng emergency,
01:34pero ipagbawal ang mobile gaming.
01:35Pabor naman ang isa para ma-modernize ang sistema ng edukasyon
01:40gamit ang teknolohiya at mas magkaroon ng akses sa mga estudyante
01:44sa impormasyon at research sources.
01:46Suestyo naman ang isa na magkaroon ng lockers
01:49para sa mga cellphone at iba pang gadget
01:51para hindi matokso ang mga estudyante na ilabas ang kanilang gadgets sa klase.
01:55Sang-ayon din ang isa pa,
01:58dahil kailangan daw na mag-step up ang edukasyon sa Pilipinas.
02:01Patuloy po kayong sumali at ishare ang inyong saluobin
02:04sa iba't ibang issue sa 24 Horas Weekend.
02:07Para sa GMA Integrated News,
02:09Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Horas.
02:12PYM JBZ

Recommended