Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ramdam sa Ilampanig ng Visayas at Mindanao ang bagsik ng habagat.
00:05Ang dalapon itong matinding ulan, nagdulot ng baha.
00:08Nakatutok si Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
00:17Balakas na bulwak ng tubig ang bumungad sa mga residente sa barangay Pangyan sa Glansarangani kaninang umaga.
00:25Matapos umapaw ang irrigation canal dahil sa ulan.
00:30Ang buta sa tabi ng isang bahay, pinalala ng rumaragas ang tubig-baha.
00:40Pinasok ng tubig ang mga bahay at kalapit na tindahan.
00:43May mga sasakyan din na pilit sinuong ang baha.
00:48Sa barangay Cross sa Glan din, naantala ang pagsimba ng mga residente sa Kapilya.
00:54Nabasa ng lakas ng buhos ng ulan ang loob nito.
00:57Nagsagawa na ng disaster response ng mga otoridad sa lugar.
01:03Umapaw naman ang tubig at binahang isang ilog na konektado sa dagat sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
01:10Nagtulong-tulong ang mga mangingisda sa pagbuhat ng kanika nilang bangka papunta sa dalampasigan.
01:16Napansin daw nila na unti-unting tumaas ang tubig matapos bumuhos ang ulan sa lugar kaninang umaga.
01:22Nag-mistulang ilog naman ang kalsada sa barangay Basak Pardo sa Cebu City ka rin ang umaga.
01:29Dahil sa taas ng baha, may mga motoristang itinulak na lang ang kanilang motorsiklo.
01:34Ang iba, pilit na sinuong ang baha.
01:37Naglutangan naman ang mga basura sa abot-tuwod na baha sa isang sityo sa kaparihong barangay.
01:45Sa kabila nito, sinuong ng mga residente ang baha, gayon din ang mga sasakyan.
01:50Wala namang naitala ang CDRRMO na nasugatan sa malawakang pagbaha sa Cebu City.
01:55Ang mga pagulan sa Visayas at Mindanao epekto ng Southwest Monsoon o Habagat ayon sa pag-asa.
02:01Para sa Jamie Integrated News, Femarie dumabok ng Jamie Regional TV.
02:07Nakatutok 24 oras.

Recommended