Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
"Eskwela Kalusugan: Bawat Bata Malusog sa NCR", inilunsad ng DOH at DepEd sa San Juan City

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilunsa ng Department of Health at DepEd ngayong araw ang Eskwela Kalusugan Bawat Bata Malusog sa NCR.
00:07Bahagi yan ang selebrasyon ng Nutrition Month ngayong buwan na nakaangkla sa layunin ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:16na mapawaba ang bilang ng malnutrisyon sa bansa.
00:20Si Bien Manalo sa Sentro ng Balita.
00:24Health is wealth para kay Julie.
00:26Mahalaga kasi para sa kanya na matiyak na malusog ang kanyang dalawang minor de edad na anak na kapuan na sa elementarya.
00:34Kaya sinisiguro niya na masustansya lang ang kinakain ng mga ito.
00:39Pinapakain ko sila ng vegetable, mga brutas.
00:42Dinadala ko sila sa health center para macheck up ko sila ng monthly check up.
00:47Mahalaga sa akin para maiwasan yung sakit, matutukan nila yung pag-aaral nilang maigot.
00:54Isa lang si Julie sa mga magulang na dumalo sa launching ng Eskwela Kalusugan Bawat Bata Malusog sa NC ARA ng Department of Health,
01:04katuwang ang Department of Education sa Pinaglabanan Elementary School sa San Juan City.
01:10Bahagi ito ng selebrasyon ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo.
01:14Parte ng programa ang pagsasagawa ng malawakang school-based health assessment sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 1.
01:22Layo nito, natukuyin at tugunan ang iba't ibang hamong kinakaharap ng bansa pagdating sa nutrisyon at kalusugan ng mga bata.
01:31Nariyan din ang health education session para sa mga magulang kung saan tinalakay ang tamang pangangalaga sa overall wellness ng mga bata.
01:39Bagamat maigting ang kampanya ng DOH sa paglaban sa malnutrisyon at child stunting,
01:45aminado sila na pahirapan pa rin ang pagsugpo dito dahil sa iba't ibang dahilan,
01:50kabilang na ang kahirapan at maging ang kulturang kinagisna na.
01:54Kaya iba't ibang paraan ang kanilang ginagawa para matugunan ito.
01:58Ang Department of Health po, katulong ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan at ang mga lokal na pamahalaan
02:04ay nagtutulong-tulong upang maisulong yung mga programang pangkalusugan at programang pangnutrisyon.
02:11Kabilang sa Eat Priority Health Agenda ng DOH ang paglaban sa malnutrisyon at child stunting.
02:17Target ng kagawaran na mabawasan sa 13.5% mula sa naitalang 27% ang kaso ng malnutrisyon at pagkabansot sa Pilipinas bago matapos ang 2028.
02:30Pusibli kasing magdulot ng kapansanan o ikamatay ng mga bata ang malnutrisyon kung mapapabayaan.
02:36Sa tala ng National Nutrition Council, aabot sa 2.3 trillion pesos ang pusibling mawala sa productivity ng Pilipinas pagsapit ng 2030
02:46kung hindi agad maaaksyonan ang malnutrisyon at child stunting o pagkabansot sa Pilipinas.
02:53Meron din po tayong isang programa, yung Philippine Multisectoral Nutrition Program.
02:58Ginagawa po ito sa iba't ibang parte ng Pilipinas para maitaas natin yung antas ng nutrisyon at kalusugan ng ating mga kabataan.
03:07Target naman ng DOH na dalhin sa iba pang paaralan sa Metro Manila ang Eskwela Kalusugan Bawat Bata Malusog sa NCR.
03:15BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended