00:00Katumbas ng isang buwang tubig ulan ang naitalang binuhos ng habagat sa Marikinas sa loob lang ng 8 oras kahapon.
00:08Yan ang ulat ni Ryan Lesiguez live. Ryan?
00:14Dominic, umabot nga sa 103mm na ulan ang ibinuhos ng habagat dito sa Marikinas City kahapon.
00:21At ayon nga sa CDR Remo, Dominic, mas marami yung dalang ulan ng habagat na ito.
00:26Kung ikaw kumpara doon sa mga nagdaang bagyo tulad ng Bagyong Karina at Bagyong Ulysses.
00:30Pero magkaganong pa man, Dominic, mababa daw yung naitalang tubig baha sa labing isang barangay na binaha dito kahapon
00:37dahil malaking tulong daw itong isinasagawang dredging at yung slope protection project dito sa Marikina River.
00:47Nasa first alarm pa ang Marikina River pero bumalik na sa kanilang bahay ang mag-asawang sina Shirley at Ronald.
00:53Bit-bit ang ilang gamit at family food pack mula sa DSWD.
00:58Nakangiting lumabas ng evacuation center ang mag-asawa kasama ang tatlo nilang anak.
01:03Hindi daw kasi inamot ang kanilang bahay sa barangay Tumana.
01:06Napro po, mahirap.
01:08Kasi pag sa evacuation po, siyempre maraming tao eh.
01:12Pag lano po, pag magsisir, kaya sa pagkain, isang po nalilay.
01:17Opo, nabigyan na po kami ng pagkain tapos itong DSWD.
01:21Ito na po.
01:22Kano'ng malaking tulong naman sa inyo?
01:25Okay naman po, malaking tulong na rin sa amin ito.
01:28Ayon sa Marikina City DRRMO, umabot ng maygit 100mm ang ibinagsak na ulan kahapon sa loob lamang ng 8 oras.
01:36Katumbas daw ito ng isang buwan na tubig ulan.
01:39Ibig sabihin, mas maraming ulan ang dala ng habagat kesa sa mga nagdaang bagyong Karina at Ulises.
01:46Pero ayon sa CDRRMO, hindi ganun kalalim ang tubig baha sa labing isang barangay na nasa mabababang lugar.
01:53Malaking tulong daw kasi ang ginawang slope protection project sa ilog at ang tuloy-tuloy na dredging sa ilog.
01:59Lumaki yung water carrying capacity.
02:02Maaaring matigita po natin yung paglaki ng ilog kasi umabot tayo ng 18.7.
02:10But kung i-cocompare mo sa experiences ng other cities at sa mga neighboring towns naman dito,
02:19hindi siya masyadong umepekta yung pagbaha dun sa mga communities.
02:24Kasabay sa paghupa ng tubig baha, agad ding pinakilos ng lokal na pamahalaan ng Marikina
02:28ang kanilang clearing team para linisin ang mga emburnal at ang gilid ng ilog mula sa basurang iniwan ng baha.
02:35Giit ni Marikina Mayor Maanchodoro, kailangan nilang madaliin ang paglilinis lalupat may iba pang samarang panahon
02:42na inaasahang magpapaulan din sa malaking bahagi ng bansa.
02:46Lahat ng efforts para ma-restore yung normalcy sa city ay gagawin natin.
02:52Also kung kakayanin na ng lupa sa yugid ng ilog na mag-dredge ulit para yung silk na naipon
02:59itong nakaraang mga pagulan ng malakas ay matanggal natin kahit sa paali.
03:03Kaninang umaga, personal na nagtungo dito sa Marikina si DSWD Secretary Rex Gatchalian
03:09para mamahagi ng relief goods.
03:11Layon nito na agad natugunan ang pangangailangan ng mga residenteng na apektuhan ng masamang panahon at pagbaha.
03:17Patunay daw ito na mabilis ang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan
03:22at mga ahensya ng nasyonal upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong at masiguro
03:27ang kapakanan ng bawat taga Marikina.
03:29Bagamat sanay na sa baha, umaasa ang LGU Marikina na maibsan kahit mapano
03:35ang pagbaha sa mga barangay na nasa mabababang lugar sa oras na matapos na ang slope protection project.
03:41We have yet to see the full effect of the slope protection project of DCWH and JICA dito sa ating 11km stretch ng ilog.
03:52So sana tayo ngayong mga panahon ito, magtulungan po tayo.
03:57Mga panahon lang muling bumuhos ang ulan dito sa bahagi ng Marikina City at hanggang sa mga oras na ito ay tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan dito.
04:09Sa mga oras na ito Dominic, ipakita ko lang yung sitasyon dito sa Marikina River na nanatili yan sa first alarm o na sa 15 meters yung taas o yung level ng tubig dito sa Marikina River.
04:22Samantala sa pinakahuling tala naman ng City DRRMO, umabot na Dominic sa halos 25,000 individuals o katumbasan ng nasa 4,700 na pamilya
04:32ang kasalukuyang nananatili ngayon sa 31 evacuation centers dito sa Marikina City. Dominic.