Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
'Stormy condition' asahan sa Northern Luzon ngayong gabi

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ayon po sa pag-asa, posibleng mag-landfall ang bagyong krising ngayong gabi sa northeastern portion ng mainland Cagayan o kaya ay sa Baboyan Islands.
00:08Kumuha po tayo ng update mula kay Rod Lagusa at Gaugnay ng Bagyong Krising live, Rod.
00:13Dayang inaasaan na maaaring mag-landfall ang bagyong krising sa bahagi ng mainland Cagayan o sa Baboyan Islands ngayong gabi.
00:21Ayon sa pag-asa, asahan na ang stormy condition o masamang panahon sa northern Luzon habang papalapit ang tropical storm krising sa northern Cagayan.
00:32Posibleng itong mag-landfall sa bahagi ng Santa Ana, Cagayan o dumaan sa coastal waters ito bandang alas 6 hanggang alas 8 ng gabi.
00:40Base sa 5pm weather bulletin ng pag-asa, huling namata ng tropical storm krising sa layong 135 km sa silangan ng Apari, Cagayan.
00:51Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 75 km per hour at pagbugso na aapos sa 105 km per hour at kumikilos sa direksyong west-northwestward sa bilis na 20 km per hour.
01:05Inaasaan na ikilos ang bagyo sa direksyong west-northwestward sa loob ng labing dalawang oras.
01:11Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes, Cagayan, kabilang ng Baboyan Islands, Isabela, Apayaw, Kalinga,
01:20Northern at Central portions ng Abra, Eastern portion ng Mountain Province, Eastern portion ng Ifugao, Ilocos Norte, Northern portion ng Ilocos Sur.
01:31Nakataas naman ang tropical cyclone wind signal number 1 sa lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya,
01:36Natitirang bahagi ng Mountain Frabins, ng Ifugao at Abra, Benguet, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Northern portion ng Pangasinan, Northern portion ng Aurora at Northeastern portion ng Nueva Ecea.
01:49Base sa weather satellite imagery ng pag-asa, kitang-kita ang lawak ng kaulapan ng bagyong krising.
01:56Ayon sa pag-asa, mapapanitili ng bagyong krising ang tropical storm kategory nito.
02:01Ibig sabihin, mananatili lang ang lakas ng hangin na mararanasan sa Northern Luzon.
02:06Bukod dito, nagpapatuloy na nakakapekto ito sa hanging habagat sa Central at Southern Luzon, Visayas at Western portion ng Mindanao.
02:15Inaasahan na makakaranas ng higit 200mm na ulan ang Cagayan, Apayaw, Ilocos Norte at Ilocos Sur simula ngayong araw hanggang bukas ng hapon.
02:25Pusibling nasa 100-200mm na ulan ang mararanasan naman sa bahagi ng Batanes, Isabela, Abra, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Ipugao, La Union at Pangasinan.
02:37Habang nasa 50-100mm na ulan ang pusibling maranasan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, Quirino at Aurora.
02:45Pagating sa gale warning, aabo sa 2.8 hanggang 5 metro ang taas ng alon sa probinsya ng Batanes, Cagayan, kabilang ng Baboyan Islands, Eastern Coast ng Isabela at Northern Coast ng Ilocos Norte.
02:57Habang may storm surge warning o daluyong na hanggang 2 metro sa bahagi ng Batanes, Cagayan, kabilang pa rin ng Baboyan Islands, Ilocos Norte at Northern Coast ng Ilocos Sur.
03:08Inaasahan na lalabas ng paraambagyo Sabado ng hapon.
03:13At paglabas nito, posibling lumakas pa ang bagyo at maging severe tropical storm.
03:17Dayan, sa tanong naman, kung maaari bang masundan uli ang bagyong krising ay inaasa na wala pang namamata na ibang weather system ang pag-asa.
03:28Pero, possibly earning next week, yung may iwang cloud cluster nitong bagyong krising ay maaaring mabuo bilang low pressure area.
03:37At habang ito ay nasa dagat, ay mataas ang tsansa nito na mag-develop bilang sama ng panahon.
03:43Base sa latest potential forecast ng pag-asa, ang direksyon nito ay pahilagang kaluran o dyan sa may bahagi ng Taiwan o Okinawa, Japan.
03:51Pero, hindi ito tatama o maglalanpol sa Pilipinas.
03:55Pero, iasahan na rin natin yung magiging epekto ng paghata ng hanging habagat na magpapaulan sa bansa.
04:01Dayan?
04:02Alright, so Rod, habang tinatahak nito yung bagyong krising, sabi mong approaches north ng Cagayan, lalakas pa ba itong bagyong ito?
04:13Dayan, ayon sa pag-asa, itong makakaranas ng stormy conditions, so asahan na natin mga kababayan ang malakas na ulan at malakas na hangin.
04:21At habang ito ay nagtra-traverse dito sa Northern Luzon, ayon sa pag-asa, ay mapapanatili nito yung tropical storm category.
04:29Kung makikita natin yung tropical storm, ito ay mas malakas kumpara sa tropical depression.
04:34Kaya, at aasahan pa rin natin na makakaranas ng masamang panahon itong bahagi ng Northern Luzon.
04:41At makalabas man ito ng para, ay asahan na rin natin na itong bagyo na nanggaling dito sa Pilipinas ay lalakas pa bilang severe tropical storm.
04:49Dayan?
04:50Maraming salamat sa update, Rod Lagusan.

Recommended