Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
168 na tauhan ng isang online lending company na nananakot umano ng umutang para makasingil, arestado! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nako, kapag usapang utang, maraming relate dyan.
00:04Alam nyo na yan, pwedeng ikaw ang may utang o di kaya ikaw ang nautangan.
00:10Pero ano bang gagawin mo kung may nangutang sa'yo pero di mo masingil-singil?
00:14Dami talagang makarelate.
00:16Bago kayong magbalak, pakinggan nyo muna ang balitang ito.
00:20Dahil sa pananakot umano para makasingil ng utang,
00:24mahigit sandaang tauhan ng isang online lending company ang inaresto sa Pasig.
00:29Huli sa akto habang aktibo sa kanilang online lending operations ang isang daan at animnaputwalong tao.
00:44Todo tanggi pa ang supervisor na may pananakot silang ginagawa sa paniningil sa mga online pautang.
00:50Pero tumambad ang mga script na ginagamit ng kumpanya at pagmamakaawa ng kanilang mga umano'y ginigipit.
00:58Sumbong na isang dating empleyado ng kumpanya, patong-patong na pang-aabusa ang inaabot ng mga umuutang sa kanilang online lending app.
01:08Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:10Ask me, ask Atty. Gabby.
01:19Atty, bawal sa batas ang panghaharas para makasingil ng utang.
01:24Kung ganon, ano ba ang legal na paraan para makasingil?
01:28Well, of course, sana hindi na kailangan pang makiusap para bayaran ka sa napag-usapang araw at oras.
01:36Marami sa nangungutang kapag nangungutang, ang bait-bait.
01:39Pero kapag sinisingil na, parang ikaw pa ang makikiusap at ikaw pa ang pagagalitan.
01:46Diba? Sila pa ang galit.
01:47Of course, hindi naman po natin nilalahat.
01:50Pero meron talagang umutang na nga, eh galit pa kapag pinagbabayad na.
01:55Unfortunately, kahit gigil, nagigil na kayo, kailangan na ikalma pa rin at sundin ang legal na paraan ng paniningil.
02:01Unang-una, of course, magandang friendly reminder muna.
02:06Baka naman madala sa magandang usapan.
02:09Well, kung wala pa rin, kailangan nyo nang magpadala ng tinatang nating demand letter
02:13na sinasabing kinokolektan nyo na at kung hindi pa magbabayad,
02:18ay gagawin nyo na ang any and all legal actions required.
02:22Which means, ang susunod na step ay magsasampa kayo ng kaso para makolekta ang utang.
02:28Of course, with interest at pagbabayarin nyo pa ng danyos
02:32kasi kukuha pa kayo ng abogado na kailangan bayaran at iba pang mga perwisyo.
02:38Tandaan, walang masama sa paniningil basta nasa ayos at naaayon sa batas.
02:42Pero kahit gigil na gigil na nga kayo, bawal pong takutin, murahin, pahiyain ang umutang sa inyo.
02:48Labag na po yan sa batas.
02:50Baka kayo pa ang makasuhan ng kasong kriminal sa ilalim ng batas natin.
02:55Na wala na nga kayo ng pera, e baka kayo pa ang makulong.
02:58Pwede kang makasuhan ng grave threats, unjust fixation o kahit libel sa ilalim po ng revised penal code.
03:05At kung ginamit nyo pa ang pangalan, litrato o konteks na isang tao para ipahiya siya,
03:11naku, pasok din po yan bilang violation ng Data Privacy Act or Republic Act 101.73.
03:20Attorney, paano naman kung ako ang may utang?
03:23Well, hindi po ako sana, diba?
03:25Tapos, hinaras ako, tinako at pinahiya, ano naman po ang habol ko?
03:30Well, kung ang katransact ninyo ay isang lending or financing company,
03:35banko, ibang kumpanya,
03:36ito ay sa ilalim ng SEC on ng BSP na talagang merong mga regulations na kunsaan nakalista
03:42ang mga tinatawag na illegal debt collection practices.
03:46Kasama na dito ang paggamit ng threats of violence at ibang criminal actions to harm individuals.
03:52Bawal ang paggamit ng pagmumura, pambabastos o nakaka-insultong lingwahe.
03:58Bawal ang isinasap publiko ang mga personal information ng nangutang.
04:02Bawal din yung tinatawagan kayo between 10 o'clock ng gabi at 6 o'clock ng umaga
04:07o yung tinatawagan ng opisina ninyo,
04:10ang mga kaibigan ninyo, para hiyain kayo, para magbayad.
04:13Bawal po yan.
04:15Makari silang parusahan at pagbayari ng mga multa
04:17o mabawian ng Certificate of Authority to Operate.
04:21At kung talagang inaabuso na kayo, tinatakot kayo ang pamilya ninyo ng kapahamakan,
04:27sinisigawan at ipinapahiyak,
04:29nagpo-post sa social media ng kung ano-ano laban sa inyo,
04:32pwede nga magkaroon ng kaso for grave threats, unjust vexation,
04:36libel sa ilalong revised penal code,
04:38and of course, kung ito ay sa social media,
04:40kaso nga ito for cyber libel.
04:43At kung ginamit pa ang inyong pangalan, litrato, or contacts,
04:45paglabagyan ng Data Privacy Act or Public Act 10173.
04:51Mga kapuso, tandaan natin,
04:52ang mga utang dapat bayaran.
04:56Pero hindi naman ibig sabihin na gumamit ng mga paraan na labag sa magandang asal
04:59at karapatang pantao.
05:01Mabuti pa, actually, itong sabi ng lola ko.
05:04Para sa mga mababait, para walang problema,
05:07huwag magpautang ng halagang iiyakan ninyo
05:11in case hindi magbayad ng umutang.
05:13Parang kawang gawa na lamang ninyo,
05:15di ba, kung ano yung pwede nyo ibigay
05:17nang hindi nyo iiyakan,
05:19eh, yun na lang ang ipautang ninyo.
05:21At huwag masyadong magpapadala sa mga kwento,
05:25di ba, ang dami kasing mga nakakaiyak na kwento,
05:27basta umuutang na.
05:29Sayang ang hard-earned pera ninyo
05:31kung mapupunta din lang sa wala.
05:34Basta ito sa pingbatas,
05:35bibigyan po natin ng linaw yan
05:37para sa kapayapaan ng pag-iisip.
05:39Huwag magdalawang isip,
05:41Ask Me, Ask Atuligat.

Recommended