Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Panayam kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. tungkol sa ilang updates ng ahensya at pagsampa kasong kriminal sa Court of Tax Appeals na may kaugnayan sa dalawang large-scale illicit cigarettes operation

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At bago tayo magtungo sa ating talakayan, hihi muna tayo ng ilang updates mula sa Bureau of Internal Revenue.
00:07Comjun, good afternoon.
00:10Nag-sampa po kayo ng kasong kriminal sa Court of Tax Appeals na may kaugnayan sa dalawang large-scale illicit cigarette operations.
00:19May detalye po ba na pwede tayong i-share?
00:21Yes. Noong July 1, 2025, nag-sampa po ng kasong kriminal sa Court of Tax Appeals.
00:29Sa kaugnay ng dalawang malakihang operasyon ng iligal na sigarilyo.
00:34Ito yung nakuha natin sa Valenzuela City at isa doon sa San Rafael, Bulacan.
00:39Ang mga kasong ito ay resulta ng simultaneous anti-illicit cigarette operation noong November 6, 2024,
00:46kung saan personal po tayong nanguna kasama po ang PNP-CIDG.
00:50Sa isang warehouse doon sa Valenzuela City, na-discovery po natin ng 600 master cases ng untucked cigarettes.
00:57At habang doon sa manufacturing plant o sa warehouse sa San Rafael, Bulacan,
01:02ay nakuha natin ang 7,844 master cases at manufacturing parafernalya.
01:09Mahalaga po na malaman na ang mga kasong ito ay umabot na sa CTA matapos paboran ng DOJ ang ating reklamong kriminal.
01:17Comso, nasa magkano po ang tax liability ng dalawang kinasuhan na ito?
01:21Ang kabuang tax liability po ay umabot sa P796 million pesos.
01:28Sa Valenzuela operation, ang liability ay humgit kumulang nasa mga P200 million.
01:33At doon sa San Rafael naman ay mas malaki po ang assessment po dyan, nasa P596 million.
01:40Ang mga kasong ito ay hindi lamang simpleng paglabag sa tax code,
01:44kundi malinaw na intensyon na umiwas sa pagbabayad ng WIS sa napakalaking halaga.
01:50Commissioner, doon po sa isang kaso na nag-operate sa San Rafael, Bulacan,
01:55may natuklasan din po palang human trafficking activities.
01:58Ano po ba yung ibang detalya o po dito?
02:00Well, iyan nga ano, tama.
02:01Sa nabanggit na operasyon doon sa San Rafael, Bulacan,
02:05ay nakita po natin na may 155 Filipino workers ang biktima ng human trafficking.
02:12Pinilit sila nga magtrabaho dito sa isang iligal na pabrika ng sigarilyo sa marumi.
02:17At napakadelikadong kondisyon.
02:19Kaya hindi lamang po ito kaso ng tax evasion,
02:22ito ay malinaw na pag-abuso sa karapatang pantao.
02:25Ang CIDG ay nag-asamparin ng hiwalay na kaso ng human trafficking laban dito sa mga nasangkot.
02:31At hindi po natin palalagpasin yung ganitong klaseng operasyon.
02:35Kung sa mga samantala, may paglilinaw ang BIR,
02:38kaugnay sa documentary requirements sa pag-avail ng VAT zero rating
02:42sa local purchases ng registered business enterprises,
02:47ano po ba ito?
02:48Pwede po bang pakipaliwanag lang ng konti?
02:50Yes, pinapagaan kasi natin yung mga proseso.
02:53Pero napag-alaman natin na hindi tinatanggap ng ilang suppliers
02:57ng mga export-oriented enterprises.
03:00At yung registered business enterprises,
03:03ang VAT zero rating certification
03:04na ini-issue ng Expert Marketing Bureau or EMB
03:09ng Department of Trade and Industry
03:11para sa mga export-oriented enterprises
03:15o ng mga investment promotion agencies
03:17para naman dun sa mga RBEs.
03:19Alinsunod sa sections 3 and 4
03:21at yung revenue regulations na in-issue natin
03:24na RR number 10-2025,
03:27ang mga local suppliers of goods and services
03:29ng mga qualified export-oriented enterprises
03:32at yung registered business enterprises
03:35ay hindi na kinakailangang mag-apply
03:37para sa approval ng VAT zero rating
03:40at hindi na rin kailangang humingi ng confirmation
03:42or validation mula sa BIR
03:44para maging qualified sa VAT zero rating.
03:47Samantala, tungkol naman dyan sa VAT exemption on importation,
03:51ang nabanggit na certification ng DTI EMB
03:53para sa mga export-oriented enterprises
03:56ay magsisilbing proof of entitlement sa exemption na ito.
04:00Para naman dun sa mga RBEs,
04:02ang Certificate of Authority to Import
04:04na in-issue ng kanika nilang mga IPAs
04:08ang dapat ipresenta sa Bureau of Customs
04:10at dahil dito,
04:12pinaalahanan ang lahat ng suppliers
04:14ng mga export-oriented enterprises
04:17at yung ating registered business enterprises
04:19na kilalanin at igalang ang mga VAT zero rating certification
04:23ng DTI EMB o ng mga IPA.
04:27Alinsunod dito sa Republic Act No. 12066
04:30or yung Create More Act
04:31na ipinatutupad naman ng Revenue Regulations No. 10-2025.
04:38Comjun, para sa kalaman ng lahat,
04:40ano po ba yung mga pasok na transaksyon dito sa 0% VAT rate?
04:44Ang mga transaksyon na pasok dito sa 0% VAT
04:49ay nakasaad dito sa sections 106, 108
04:52at ng tax code na isa rin natin bigyan din
04:56na ang sales of goods at services
04:59sa ilalim nitong sections 106, 8, subsection 2, A2
05:05at 106, A2, A5 at 108B, subsection 1
05:12ng tax code ay muling naging 0% VAT
05:15simula noong effectivity ng Create More Act.
05:18Ang mga nakasaad dito na pinapakita sa screen
05:21yung mga naturang sections
05:22at ipinapakita ito sa screen
05:24habang tayo nagpapatuloy.
05:25Diyan maikita yung mga definitions
05:27at kung ano-ano ba talaga itong mga transactions na ito.
05:32Comjun, may memorandum circular po kayo na ipinalabas.
05:36Pwede niyo po bang sabihin,
05:38ano na lang po yung requirements
05:39para mag-avail ang 0% VAT rate?
05:43Itong ano, naglabas tayo ng RMC No. 66-2025
05:47na nililinaw na ang pag-submitin ng sworn declaration
05:51mula dito sa registered business enterprise buyer
05:54ay hindi na required upang ma-avail ang 0%
05:57na VAT rate,
05:59ang VAT zero rating certificate na in-issue
06:02ng Kaukulang Investment Promotion Agency or IPA
06:05ang magsisilbing pangunahing documentary basis
06:08para sa nasabing benepisyo.
06:10Although ngayon,
06:11ang BIR ay maaaring magsagawa
06:13ng post-audit verification
06:15para naman matiyak natin
06:17na ang biniling produkto o servisyo
06:19ay directly attributable sa registered project
06:22or activity ng qualified RBE.
06:26Commissioner, sa iba pang usapin,
06:27mayroon na mga babala na in-issue
06:30ang inyong ahensya,
06:32kaugnay ng mga peking dokumento
06:34na may kaugnayan sa tax clearance
06:36o tax payments.
06:37Ano po ba yung mga ito?
06:38Opo, kasi meron tayong mga nahuli
06:41kaya naglabas po tayo
06:42ng public advisory noong June 23
06:45tungkol dito sa mga peking tax clearance certificates
06:48at notice of assignments
06:50na pinalabas na pirmado
06:52ng pinipirmado po natin.
06:54Kasama na rin dito
06:55ang mga claims ng tax credits,
06:58clearance sa tax liabilities,
07:00pagbaba ng penalties
07:01at pag-transfer ng payment ng taxes.
07:04Nais po natin ipabatid sa publiko
07:06na ang BIR po ay hindi nagre-request
07:08ng fund transfers
07:10or direct payments
07:11papunta sa mga personal
07:12or corporate accounts
07:13dahil lahat po ng bayarin sa taxes
07:16ay dapat through authorized agent banks,
07:19official electronic payment gateways
07:21tulad ng land bank,
07:23link biz portal,
07:24DBP Pay Tax Online,
07:26Union Bank Online,
07:27Tax Payment,
07:28Maya,
07:29MyEG sa BI Online Tax Payment
07:32at iba pa.
07:33Ang kompletong listahan ito
07:34para malaman po natin
07:35ay maikita sa ating BIR website.
07:38Wala din pong ini-issue
07:39ang BIR na notice of assignments
07:41tungkol sa tax credits
07:43at tax liabilities.
07:44Ang mga tax clearance certificates
07:46naman tulad ng tax clearance
07:47for bidding purposes
07:48at ibang official documents
07:50ay ini-issue lang
07:51pagkatapos dumaan
07:52sa tamang proseso
07:53at sistema ng BIR.
07:55Marami po tayong nakita dyan
07:56na nahuli.
07:58Kung saan naman po
07:58maaaring dumulog
07:59o mag-report
08:00yung ating mga kababayan
08:01kapag may na-encounter
08:03ng mga kahinahinalang dokumento?
08:05Maaari po nga dumulog
08:06sa pinakamalapit na BIR office
08:08sa inyong lugar
08:09or sa email address ko po
08:10commissioner at BIR.gov.th
08:13or maaari rin
08:14sa ating official Facebook page.
08:17Kaugnay naman po
08:18sa implementasyon
08:19ng Capital Market
08:20Efficiency Promotion Act
08:22o SIMEPA
08:22na naging efektibo na
08:24sumula noong July 1.
08:25Ano po ba,
08:26Commissioner,
08:26ang ibig sabihin nito
08:27na may kaugnayan
08:28sa Wang Buis?
08:29Ang Republic Act No. 12214
08:32or yung Capital Markets
08:33Efficiency Promotion Act
08:35o SIMEPA
08:35ay isang batas
08:36na naglalayong
08:37pasiglahin yung ating
08:38capital market
08:39ng bansa
08:40sa pamamagitan
08:41ng pagbibigay
08:42ng mga incentives
08:43at reforms
08:44sa pagbubuis
08:44patungkol sa capital markets.
08:46Naging efektive ito
08:47again July 1, 2025
08:49at batay dito
08:50may mga sumusunod
08:51na mahalagang
08:52pagbabago sa buis.
08:53Una na rin
08:54yung pagpapatupad
08:55ng iisang buis
08:56or uniform tax
08:57sa passive income
08:58gaya ng interest,
09:00dividends
09:00at iba pang investment income
09:02para mas gawing simple,
09:04patas at predictable
09:05ang pagbubuis
09:06para sa lahat ng investors.
09:07Pangalawa dyan
09:08yung pagbabawas
09:09ng buis
09:10sa stock transactions
09:12mula sa dating rate
09:13na 0.6%
09:15ito ay binaba
09:16sa 0.1%
09:17ng gross selling price
09:18ng shares
09:19na binenta
09:20sa pamamagitan
09:20ng stock exchange.
09:22Again,
09:22layunin nito
09:23na pasiglahin
09:23ang kalakalan
09:25sa merkado
09:25at gawing mas cost efficient
09:27ang pag-invest
09:28sa stocks.
09:30Tapangatlo,
09:30yung exemption
09:31mula sa capital gain stocks
09:32para naman
09:33sa ilang qualified securities
09:34na dating pinapatawan
09:36sa pagbibenta
09:37ng shares
09:38sa over-the-counter
09:39transactions.
09:40Pangapat,
09:40yung pag-alis
09:41ng documentary stamp tax
09:42sa ilang transaksyon
09:43na pinansyal
09:44kabilang na
09:45ang secondary trading
09:46ng shares
09:47sa stock exchange.
09:48At panglima,
09:49yung karagdagang
09:5050% income tax deduction
09:52sa contribution
09:53sa personal equity
09:54and retirement account
09:55o pera
09:55bilang incentive
09:57sa mga Pilipino
09:58na gahanda
09:58para sa kanilang
09:59pagre-retiro.
10:01Sa kabuan,
10:01yung si MEPA
10:02ay isang hakbang
10:03tungo sa mas competitive
10:04inclusive
10:05at investor-friendly
10:06na capital market
10:08habang pinapasimple
10:09at pinapagaan
10:10ang mga obligasyon
10:11sa buis
10:11para sa mga kalahok nito.
10:14Kung follow-up lang siguro po,
10:15ano ang abiso ng BIR
10:17tungkol sa implementasyon
10:18ng si MEPA?
10:19Bilang tugon dun
10:20sa pag-implementasyon
10:22ng Capital Markets
10:23Efficiency Promotion Act,
10:25tayo po ay
10:25nakapaghanda na
10:27ng mga draft
10:28na revenue regulations
10:29na magsisilbing patnubay
10:31sa mga pagpapatupad
10:32ng probisyon
10:33ng nasabing batas.
10:35Kasalukuyan,
10:36ang mga revenue regulations
10:37ay nandyan na draft
10:39at suma sa ilalim
10:40sa pagsusuri
10:41at dadaan to
10:42sa pag-aproba
10:43ng Secretary of Finance.
10:45Pero yan ang nakalagay
10:46sa batas.
10:47So ngayon,
10:47ongoing at
10:48for approval na.
10:49Mahalagang bigyan din natin
10:51na kahit wala pang
10:52final na revenue regulations
10:54effective na itong
10:55si MEPA
10:56dahil
10:56ito ay nag-effective
10:58ng July 1
10:59batay sa itinadhanang batas.
11:01Ibig sabihin,
11:02yung mga pangunang
11:03yung probisyon nito
11:04ay dapat sundin
11:04at dapat ipatupad na
11:06simula dun sa
11:06nasabing Petsa.
11:08At bilang bahagi rin
11:10ng implementasyon,
11:11naglabas na rin
11:11ng BIR
11:12ng isang tax advisory
11:13kaugnay ng
11:14Section 8
11:15ng RA 12214
11:17na nag-amenda
11:18sa Section 149
11:19ng tax code.
11:20At ayon dito
11:21sa nasabing
11:21advisory natin
11:23na simula
11:24July 1
11:25ang isa dito
11:26yung pickup vehicles
11:27ay hindi nakabilang
11:28sa mga exempted
11:29sa excise tax.
11:31Kaya naman
11:31alinsunod yan
11:32dun sa bagong
11:32probisyon ng batas.
11:34Buko dito
11:34yung mga draft revenue
11:35regulations
11:36at iba pang abiso
11:37ay maaaring makita rin
11:38sa official
11:39BIR website
11:41www.bir.gov.ph
11:44para sa
11:45kalaman at gabay
11:46ng publikos
11:46at stakeholders
11:47habang hinihintay
11:48yung final na versions
11:49ng mga regulations.
11:52Comjun,
11:52ano naman po
11:53ang mga hakbang
11:54ng BIR
11:55para matulungan
11:56ang mga
11:56may kinalaman dito
11:58at masiguro
11:59ang maayos
12:00at yung seamless
12:01na pagpapatupad
12:02nitong SIMEPA?
12:03Well,
12:04upang masiguro natin
12:05at maayos
12:05ang efektibo
12:07yung pagpapatupad
12:08ng SIMEPA
12:09ang BIR
12:10nagsagawa ng
12:11mga sumusunod
12:12na hakbang.
12:13Una dyan,
12:13yung paglalabas
12:14ng malinaw na
12:15panuntunan
12:15at patnubay
12:17sa pamamagitan
12:17ng revenue regulations
12:19at revenue
12:20memorandum circulars.
12:21Again,
12:21makikita natin yan
12:22sa BIR website.
12:23Pangalaway,
12:24pagsasagawa ng
12:25information campaigns
12:26at consultative meetings
12:28kasama ang mga stakeholders
12:29mula sa
12:30industriya ng
12:31securities
12:32at investments.
12:33Pangatlo,
12:34naglalatag din tayo
12:35ng mga health desks
12:36o focal persons
12:37upang tumugon
12:38sa mga katanungan
12:39tungkol sa bagong
12:40batas na ito.
12:41At pang-apat,
12:42yung pakipag-ugnayan
12:43sa Securities
12:44and Exchange Commission
12:45at iba pang ahensya
12:46para sa inter-agency
12:48coordination.
12:49At pang-lima,
12:50meron tayong
12:50pinalakas na
12:51online systems
12:52para sa reporting
12:53at compliance
12:54para maging seamless
12:55at less burdensome
12:57ang mga proseso.
12:58Maraming salamat po,
13:01Comjun,
13:01sa mga ibinahagi ninyo
13:03sa aming updates
13:04mula sa BIR.

Recommended