Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/11/2025
Panayam kay BIR Commissioner Romeo “Jun” Lumagui Jr. para sa mga update ng ahensya at pagtanggap nila sa Plaque of Commendation sa masigasig at patuloy na pagsasabuhay ng Data Privacy

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At bago tayo magtungo sa ating talakayan,
00:02hingi muna tayo ng update mula sa Bureau of Internal Revenue.
00:06Unahin natin sa update mula sa natanggap na
00:10Plac of Commendation mula sa National Privacy Commission.
00:15Anong ibig sabihin ito, Comjun?
00:17Well, una-una, maraming salamat po dyan.
00:20Ang pagkakaloob ng Plac of Commendation mula sa National Privacy Commission or NPC
00:25ay isang napakalaking karangalan para sa Bureau of Internal Revenue or para sa amin po.
00:30Ito po ang kauna-unahang pagkakataon na iginawad ng NPC
00:34ang ganitong uri ng parangal sa isang ahensya ng pamahalaan.
00:38Kaya't mas lalo po naming pinahalagan ang pagkakilalang ito.
00:43Ang parangal na ito ay pagkilala sa masigasig at patuloy naming pagsusumikap na isa buhay
00:48ang prinsipyo ng Data Privacy Act of 2012 or yung Republic Act No. 101-73.
00:55Sa lahat ng aspeto ng aming operasyon mula sa pangungulekta ng buwis
00:59hanggang sa pamamahala ng impormasyon ng mga taxpayers.
01:03Hindi lamang po ito simple compliance o pagsunod sa batas
01:06kundi ito ay patunay na pinaprioritize ng BIR
01:09ang karapatan ng bawat taxpayer pagdating sa proteksyon ng kanilang personal data.
01:14Sa ilalim ng ating pamumuno kami po sa BIR ay naninindigan na ang aming mga sistema
01:20ay hindi lamang effective kundi ethical din.
01:23Dahil sa transparency, accountability at respect to taxpayer information,
01:28privacy na aming pinanghahawakan.
01:30Ang pagkakapili rin ng BIR bilang finalist sa Seal of Registration Award
01:35sa Privacy Awareness Week ay karagdagang patunay ng aming dedikasyon
01:39sa mataas na pamantayan ng servisyo publiko.
01:42Sa huli, ang pinakamahalagang ibig sabihin ng parangal na ito ay tiwala na
01:46ang inyong personal data ay ligtas sa BIR
01:49at kami ay patuloy na magiging huwarang na ahensya
01:52pagdating sa responsable at makataong pamamahala ng impormasyon
01:57dahil naniniwala rin tayo.
01:58Alam naman natin kung gano'ng kasi sensitive
02:00ang information na hawak ng BIR pagdating sa mga taxpayers.
02:03Kaya't again, ang pinapahihwating nito ay protected ang inyong mga personal information.
02:10So ano yung mga hakbang na ginagawa ng BIR com June
02:14para ma-ensure na safe at protectado yung datos ng ating mga kababayan
02:19alinsunod na rin sa Data Privacy Act of 2012?
02:24Marami po, upang matiyak ang mahigpit na pagsunod sa Data Privacy Act of 2012.
02:28Ang BIR, kami po ay nagsasagawa ng serye ng kongkretong hakbang
02:32na sumasalamin sa aming matibay na panindigan
02:36para sa proteksyon ng personal na impormasyon ng bawat taxpayer.
02:40Buong puso namin tinatanggap na at sinasakatuparan
02:44ang limang pillars ng privacy compliance na itinatag ng NPC.
02:48Isa sa mga pangunahing hakbang ay ang paglalabas ng
02:51Revenue Memorandum Order No. 1-2020
02:54na siyang nagsisilbing Data Privacy Manual ng BIR.
02:57Nilalaman nito ang mga proseso at patakarad para sa maayos,
03:01ligtas at naayon sa batas sa Data Privacy Management and Security.
03:07Itinalag din po natin ang Deputy Commissioner ng ISG
03:10or Information Systems Group bilang Official Data Protection Officer
03:14o yung DPO ng BIR at bumuo ng Data Privacy Committee
03:18na binubuo naman ng mga kinatawan mula sa iba't ibang bahagi ng biuro.
03:23Isinasagawa rin ng privacy impact assessment sa aming critical systems
03:28upang matukoy at mabawasan ang mga potential threat sa data privacy.
03:33May regular na training sa data privacy at information security
03:36para sa mga bagong empleyado at refresher briefings para naman sa buong biuro
03:41upang mapanatili ang kaalaman ng bawat kawani.
03:45Bukod pa rito, nagpapatupad kami ng mga policies, internal memoranda guidelines
03:50and procedures hinggil sa confidentiality practices, information security at data privacy.
03:56Sa kabuoan, nagsasagawa kami ng malawakang compliance audit sa buong BIR
04:01upang masiguro ang integridad ng aming compliance sa batas
04:05at mapalakas ang proteksyon para sa datos ng publiko.
04:09Ayan, napaka-comprehensive ng inyong approach.
04:12Pero kung pwede nyo po bang ipaliwanag kung paano naman isinama
04:16ang privacy by design principle sa inyong mga tax collection at administrative systems
04:22at paano ninyo tinitiyak na ligtas sa panahon ng digitalization at online transactions
04:27ang mga impormasyon ng ating mga taxpayer?
04:31Ang prinsipyo ng privacy by design ay mahigpit na sinusunod sa BIR.
04:35Nangangahulugan na mula pa lamang sa development phase ng mga systems namin
04:40ay sinasangalang na ang privacy requirements.
04:44Ilan sa mga hakbang na ginagawa namin ay ang paggamit ng makabago
04:48at advanced technologies para sa cyber security.
04:52Mayroon din na kaming mahigpit na role-based access controls
04:56kung saan ang access sa sensitibong impormasyon
04:58ay binibigay lamang sa mga otorizadong tauhan base sa kanilang tungkulin.
05:03Sa development stage ng aming mga systems,
05:06tinitiyak naman na namin na limitado lamang sa kinakailangan ang data na kinokolekta.
05:12May malinaw na policy sa data retention at disposal
05:16at ipinapatupad ang secure data default settings tulad ng session timeouts
05:21at paggamit ng HTTPS protocols.
05:24Ang mga hakbang na ito ay tumutugon hindi lamang sa legal compliance
05:28kundi nagbibigay ng dagdag na siguradad sa panahong laganap
05:33ang online transactions at digital transformation.
05:36Sa ganitong paraan, sinisigurado namin na ligtas at makabago
05:40ang pagmamanage namin sa impormasyon ng publiko.
05:44Paano naman halimbawa,
05:46Kung may tanong o reklamo ang isang taxpayer,
05:51kung paano ginagamit yung kanyang information?
05:53So paano nyo tinutugon na nito?
05:55Well, bilang isang ahensya na may pananagutan sa pagtutok sa sensitibong informasyon ng publiko,
06:02mahalaga rin para sa BIR na magkaroon ng malinaw at maagap na mekanismo
06:06para dyan sa pagtugon sa mga reklamo o tanong ng mga taxpayers
06:10kaugnay ng kanilang personal data.
06:12Upang ma-isakatupanan nito, may nakatalagang email address ng BIR.
06:18Ito ang BIR underscore DPO at BIR.gov.ph
06:24Yan po ang aming email kung saan na maaaring magpadala ng mga katanungan o reklamo
06:30tungkol sa posibleng paglabag sa data privacy.
06:33Ang email na ito ay aktibong minomonitor at tinutugonan upang hindi mapabayaan
06:40ang anumang hinain ng publiko.
06:42Para naman na sa mga masaseryosong issue tulad ng data breach o itong mga incident reports,
06:48ang aming data privacy committee ay particular na ang incident and data breach response team
06:53ang agad na umaaksyon alinsunod sa itinakdang protocol sa ilalim ng RMO 58-2019.
07:01Ang polisiyang ito ay nagbibigay ng maayos, sistematiko at agarang tugon sa mga banta sa siguridad ng impormasyon.
07:10Ito man ay nasa electronic format o physical records.
07:14Sa kabuhaan ang aming layunin ay masiguro na ang bawat boses ng mamamayan
07:18ay marinig at matugonan sa paraang responsable, makatanungan at alinsunod sa batas.
07:24So marami pong mekanismo na nandyan.
07:26I'm pretty sure in the coming months ko meron pang improvements na gagawin sa data privacy policy ng BIR.
07:33So ano-ano yung mga ito?
07:35Well, again, patuloy yung aming ginagawa na pag-usayan yung aming mga data privacy policies
07:42upang makasabay sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya.
07:45Kasi yan yan ang bilis ng technology developments, kaya talagang binomonitor din natin yan.
07:50At yung maraming bagong threats sa cyberspace, isa yan sa mga pangunahing hakbang,
07:55ang pag-review at pag-revise ng aming existing policies sa standards at guidelines
07:59base sa pinakabagong advisories at circulars ng NPC.
08:04Kasama rin dito yung paggamit ng mga bagong security tools
08:07upang palakasin pa ang protection ng taxpayers' information.
08:10Hindi rin po namin kinakalimutan ang pagpapalalim ng kaalaman ng aming mga kawini.
08:16Kaya tuloy-tuloy din ang training at awareness programs para sa lahat ng antas ng BIR personnel.
08:21Bukod pa rito, of course, yung ating planado na rin na ang pag-enhance ng privacy impact assessments.
08:28At sa mga susunod na hakbang, balak din namin ipatupad ito sa pakikipagtulungan sa mga third-party experts
08:36upang mas maging objective at comprehensive ang pagsusuri.
08:40Dahil ang gusto po namin dito ay masigurado ang data privacy framework
08:44ay hindi lamang responsive kundi proactive rin sa kabila ng mga bagong hamon.
08:49Nga-mention niyo yung third-party experts, yung cooperation.
08:53Paano naman po sa ibang ahensya ng gobyerno?
08:56Meron ba kayong koordinasyon para malaman kung ano yung best practices in terms of data protection?
09:02Meron na. Nag-co-coordinate tayo, especially sa DICT.
09:08Marami tayong kinu-coordinate dahil hindi lamang tayo yung may mga experts.
09:14Actually, mas expertise din ng iba't-ibang ahensya yung kinu-coordinate din natin.
09:20So, sa ibang usapin naman, Com, ano po yung mga dapat malaman na detalya ng mga taxpayer
09:26tungkol sa estate tax amnesty tulad ng processing time, tax rate, at deadline ng paghahain?
09:33Ito nga, estate tax amnesty, dahil ito yung batas na may amnesty for estate tax.
09:40Ang BIR ay may ita nalagang RDO.
09:43Depende yan kung saan kayo pupunta.
09:45Depende sa kung ano ang uri ng desident o yung tinatawag na yung desident,
09:50kung sino yung namatay.
09:52Para sa resident na desident o kung dito kayo nakatira,
09:55pupunta kayo sa RDO na may jurisdiction sa huling tirahan ng namatay.
10:00O kung may negosyo ang namatay sa RDO, kung saan ito nakarehistro.
10:04Para naman sa non-resident desident o yung hindi dito nakatira ang namatay,
10:09doon tayo sa kung saan nakarehistro ang kanyang executor o administrator
10:13o kung hindi parehistrado sa kanyang legal residence kung meron man.
10:18Para sa mga non-resident desident na walang executor o administrator sa Pilipinas,
10:24ang pagpaproseso ay sa RDO No. 39, South Quezon City.
10:28Sa usaping processing time, iba-iba po yan.
10:32Kasi depende sa requirements, kung kumpleto.
10:35Pero marami po tayong standard na processing time na internal na po ito,
10:41yung ini-endorse.
10:43Ngayon kasi file and pay anyway.
10:44Maraming nangyayari na improvements.
10:47So ini-endorse ito ng RDO sa loob lamang ng 5 working days
10:50mula sa pagkakatanggap ng mga dokumento.
10:53Ang Certificate of Availment naman ay binibigay sa loob ng 15 calendar days
10:57mula sa pagsumitin ng, again, complete requirements kasama ang validated yung payment forms
11:04at patunay na bayad ang tax rate.
11:06Ang tax rate naman dito, natanong nyo, 6% ito, no?
11:11At ang deadline ng pag-avail ng estate tax amnesty ay supposedly June 14.
11:16Na ang June 14 ay sa Sabado.
11:20Kaya naman, ayon sa batas, next working day ang magiging deadline.
11:24Kaya naman, ang final deadline natin is June 16 o lunes.
11:30At yung deadline natin, in fact, marami tayong...
11:35Kaya pinapaalahanan natin na huwag na sanang paabutin yan doon sa June 16.
11:40Ang Pilipino pa naman, mahilig sa last-minute transaction.
11:44Sa advisory naman na in-issue ng BIRCOM, simula June 4 ay in-extend up banking hours
11:50ng mga authorized agent banks para sa estate tax amnesty deadline.
11:55Ano po yung layunin nito at hanggang kailan po yung extension?
11:59Well, ang layunin nito ay mas sigurado na mas marami tayong ma-accommodate
12:03ng mga taxpayers dahil sa mga nakaraang linggo.
12:05Nakita natin na dagsa ang mga tao na pumupunta sa aming opisina.
12:13So ito para mas bigyan ng sapat na oras at pagkakataon
12:16ang taxpayers na magbayad ng kanilang estate tax sa ilalim ng estate tax amnesty program.
12:22In fact, yung extension na ito nangyari pa simula noong June 4.
12:25Nagsulat na tayo na magkaroon ng extended banking hours.
12:28So ito pong extended banking hours ay hanggang June 16 din po sa lunes hanggang alas 5.
12:35So hanggang alas 5 ng hapon upang again ma-accommodate ang mas maraming taxpayers
12:40na nais makinabang sa amnesty bago ang deadline sa June 16.
12:45Bukod dun sa extended banking hours, ano pa po yung tulong na pwedeng ibigay ng BIR
12:51sa mga kababayan natin para sa tax returns at pagbabayan ng estate tax?
12:55Ngayon po, again, nung nakaraang linggo, I'm proud to say also na ating very hardworking BIR employees
13:06ay umuwi ng hating gabi na natatapos sa ilang araw na itong nangyayari.
13:13Dahil nga dagsa, hindi namin sila pinapa-uwi.
13:17Basta't nandyan sila ay sinaserve natin.
13:20Kaya nag-extend po tayo, even us, kaya may nababalita rin talaga tayo na ang uwi na ng ating mga empleyado
13:27ay alas 12 na ng ating gabi para lang masiguradong matanggap yung mga application ng estate tax
13:33sa application ng mga taxpayers.
13:36So marami tayong ginagawang mga information awareness din.
13:41Matagal na rin tayo nagbibigay ng information.
13:44And yung pinadali natin, katulad nung nakikita natin na feedback na nire-request nila
13:50na huwag naman sanang i-require muna yung extrajudicial settlement.
13:53So yan, mga pinagbigyan natin yan para mas mapadali at masigurado na makapag-comply sila at makapag-submit.
14:00So ito, yung gagawin namin, again, hanggayon, kahit laalasing ko na,
14:06basta't nandyan ang mga tao ay tatanggapin pa rin natin yan,
14:09mag-overtime ang BIR para masigurado na umabot lahat ng mga gustong humabol para sa amnesty.
14:16Ayan, salamat sa mga update na ibinahagi mo sa amin mula sa Bureau of Internal Revenue, Commissioner Jun Lumagi.

Recommended