Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/30/2025
Eda Mae Arceo, mula sa pagbebenta ng ginto patungo sa pagbingwit nito sa Palarong Pambansa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinatunayan ng isang batang atleta na hindi hadlang ang pagsubok sa buhay para maabot ang mga pangarap.
00:06Kilalanin siya sa report ni teammate, Reymar Patriarca.
00:11Unang palaro, dalawang ginto agad ang nasongkit ni Edamay Arceo sa Palarong Pambansa 2025,
00:19kung saan pinatunayan ng tubong Iloilo na walang imposible sa taong determinado.
00:25Panganay sa apat na magkakapatid, lumaki si Eda sa isang isla sa Iloilo kung saan sa musmos na edad ay naranasan na nito ang hirap ng buhay.
00:33Isang manging isda ang tatay ni Eda.
00:36Ngunit dahil ka po sa pang-araw-araw ay naibenta nila ang kanilang bangka para ipangtusto sa kanilang mga pangangailangan.
00:45Mahirap po ang buhay namin sa isla.
00:47Kung bagyo, wala kami, hindi nagkukuha sa papa ng isda kasi walang pangingisda eh kasi malaki ang mga balod.
00:58Kaya naman kahit bata pa lang ay maaga nang natutong magbanat ng buto si Eda.
01:04Nagsimula siyang tumulong sa kanyang magulang sa kanilang hanap buhay.
01:08Ang kanyang ama ay sumasama sa mga pumupunta sa laot dahil sa hawalan ng bangka.
01:13At kung ano ang huli ng kanyang tatay ay binibenta niya sa kanilang pamayanan.
01:18Kung hapon o magdadating si papa, kinukuha kong isda niya at binibenta sa mga tao.
01:26Sa kabila nito ay hindi tumigil sa pagpupor si Giseeda.
01:29Kaya naman ang magkaroon ng tryout sa kanilang lugar ay sumari ito kung saan nakitaan siya ng potensyal ni Coach Benedikto Prasa.
01:37Nakita namin yung bata na malakas yung paa na humakbang.
01:46So sabi namin may potensyal yung bata.
01:48Yung una medyo mahina pa siya mag tumakbo.
01:54Pero sa constant training ng bata, unti-unting nade-develop yung kanyang speed.
01:59Ayon sa athletics coach ng Western Visayas, kung minsan ay nalalate sa ensayo si Eda.
02:07Hindi para magliwaliw, kundi para tulungan ng kanyang mga magulang na maglako ng isda.
02:13Hindi naman naging balakid ang pagtitinda ni Eda.
02:16Na kahit pagod na rin sa pag-aaral ay tumutuloy pa rin sa ensayo dahil sa kanyang pangarap na makapag-aral sa Maynila.
02:22Pinapagalitan namin ng bata pero pinapaintindi kung ano ang, kung ano yung galit na binibigay namin.
02:31Kasi gusto namin siya manalo.
02:33Gusto namin siya manalo at gusto siyang makilala para makapag-aral sa mga prestigious na universities.
02:38Gusto namin mangyari sa kanya kasi mahirap si Eda, mahirap.
02:41Mahirap na bata.
02:43Taga ano siya? Taga island.
02:48Kinawa lang namin sa mainland para makapag-aral kasi may potensyal yung bata.
02:52Ngayon ay hindi malayong matupad na ang pangarap ni Eda.
02:56Sa kanyang palarong pambansa stent kung saan mayroon na siyang ginto sa 110 at 400 meter hurdles,
03:03ay magkakaroon na ito ng pagkakataon na makatulong sa kanyang mahal sa buhay.
03:09Maka-five gold po o maka-record breaker para matulungan ito ang aking pamilya.
03:16Ipagamot ko po yung lolo ko.
03:17Isa lang si Eda sa mga kabataan na gustong gamitin ang kanilang talento sa pampalakasan
03:24para may ahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.
03:27At isang instrumento ang palarong pambansa para maging tulay sa pagtupad ng pangarap ng mga kabataang atleta.
03:34Remark Patriarca, para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.

Recommended