9 na bagong gamot sa bansa na hindi na papatawan ng VAT, tinalakay ng BIR; mahigpit na pagbabantay sa mga pharmaceutical company at retailers, tiniyak ng ahensiya
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
02:30So itong mga advisories na nag-i-endorse ng VAT exempt medicines at lahat na yan ay efektibo na dahil na-publish na yan.
02:37So itong mga nakita natin sa ating listahan ay wala na pong VAT yan.
02:42Sir, para naman po sa kaalaman ng ating mga kababayan, ano pa yung mga inaasahang epekto nito sa presyo ng gamot sa merkado?
02:48Tsaka paano po tinitiyak ng BIR na sumusunod yung mga tindahan, butika at pharmaceutical companies sa VAT exemption?
02:55Yes, ang pangunahing epekto nito, of course, yung pagbaba ng presyo ng mga gamot dahil wala nang pinapataw na 12% VAT sa mga ito.
03:04So otomatik na halos 12% ang mabababa ng presyo nito.
03:08Tinitiyak naman ng BIR ang pagsunod sa pamamagitan ng mahigpit na monitoring at audit sa mga pharmaceutical companies at retailers.
03:15So of course, dito katawang natin ang FDA at DTI at iba pang ahensya upang masiguradong na ipapasa ang beneficyo sa mga mamamayan.
03:27So sir, ano naman po yung dapat gawin ng publiko kung sakaling may butika na hindi magbibigay ng exemption sa mga gamot na sakop nitong bagong memorandum circular?
03:36Kasi baka sabihin, hindi pa nila alam o wala pang nakababa sa kanilang memorandum na kailangan na nilang i-exempt mula sa VAT?
03:43Yes, tama yun. Marami na tayong naririnig na ganyan na sinasabi na ibang mamimili ay nakikita nila hindi pa rin, nagpapato pa rin ng VAT.
03:53Kung maka-encounter kayo nang ito, maaaring i-report ng publiko ang mga hindi sumusunod na butika.
04:00So of course, dito sa aming ahensya, sa BIR, pwede po tayo i-contact sa email natin, contact underscore us at bir.gov.ph.
04:09Maaaring nyo rin isumbong yan sa Food and Drug Administration at sa Department of Trade and Industry.
04:16Ipakita po natin yung RMC or sabihin po natin na hindi na po dapat pinapatawan ng VAT ito
04:24at para malalagay din po sa notice ang mga butika na yan, ilagay din sa reklamo kapag mag-report po sa amin
04:32ang pangalan ng establishment, address at detalye ng resibo para ma-actionan agad namin.
04:37Kailan po ba dapat ito effective?
04:39Effective na yan, ano? Dahil na-publish na yan at na-issue na natin ng RMC.
04:45So effective na yan. Dapat pag ngayon bumili sila, dapat wala ng pinapatawan na VAT.
04:49Paano kung kasi sabihin nila, old stock nila yung nandun na mga gamot eh.
04:53So nabili nila yun sa ibang halaga na dapat pinatawan nila ng ganitong tax.
04:58So regardless kung kailan nila nabili yun, basta dapat wala na ngayong VAT.
05:02Yes, regardless yun. Dahil basta ngayon nabibenta mo sa publiko, wala na dapat yan VAT.
05:07Sir, isa pa pong memorandum circular yung inilabas ng DIR para naman sa mental illness.
05:12Ano po ba yung detalye nito?
05:14Ang RMC No. 62-2025 naman ay naglalaman ng update sa VAT-except medicines para sa mental illness.
05:21Sa ilalim ng FDA advisory ay isinama ang gamot na lamotrigine sa VAT-except list
05:28sa tatlong dosage forms, disperseable or chewable tablet or oral-dispersable tablet at regular tablet.
05:36So kasama po yan.
05:38So sir, ano naman po yung papel ng FDA sa pagpili at pag-endorso ng mga gamot na dapat maisama sa VAT exemption?
05:45Well, ang FDA ang pangunahing ahensya na nag-evaluate at nag-endorso ng mga karagdagang gamot
05:50na dapat maging kwalifikado sa VAT exemption alinsunod sa Create Act.
05:57Kapag ito ay naaproba, ay naglalabas ng advisory ang FDA at inirekomenda ito sa mga implementing agencies
06:04tulad ng BIR, DOC at DTI para sa agarang implementasyon.
06:08Paano po ninyo, sir, pinapaabot sa mga stakeholders gaya ng mga butika, sa suppliers, LGUs at sa publiko
06:15yung bagong listahan ng VAT-exempt medicines?
06:18Sa parte ng BIR, pinapaabot ito sa pamamagitan ng pag-issue ng revenue memorandum circular
06:25gaya ng nasabi na natin kanina.
06:27At paglalabas ng mga press release at pagpapost sa official BIR social media platform.
06:32So ito talaga may information dissemination para rin naman malaman ng mga butika
06:37at malaman ng ating mga kababayan na VAT-exempt na itong mga gamot na ito.
06:42So sir, may inaasahan pa po ba tayo yung karagdagang gamot na magiging VAT-exempt din sa mga susunod na buwan?
06:48Kasi karamihan nun, kolesterol, hypertension, pata naman nun sa mga diabetic,
06:52meron ding maintenance para sa knalang sugar.
06:55Yes, patuloy ang koordinasyon ng BIR sa FDA at DOH upang mapalawak pa ang saklaw ng VAT-exemption.
07:02Of course, hangad natin na mas maraming maintenance at life-saving medicines
07:06ang maging abot kaya para sa bawat Pilipino dahil yan naman din ang gusto ng ating mahal na Pangulo
07:10na maging affordable din ang mga ganitong necessary na mga medicines
07:16dahil maintenance nga ito at life-saving medicines.
07:19So sir, sa ibang usapin naman, ano po yung mandato naman ng BIR
07:22sa ilalim ng Investment Facilitation Network
07:24at paano po ito nakaangkla sa Executive Order No. 18
07:28na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.?
07:31Ang BIR bilang bahagi ng Investment Facilitation Network
07:36sa ilalim ng Executive Order No. 18 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
07:41may mahalagang gampanin ang BIR sa pagpapabilis at pagpapadali
07:47ng proseso ng pamumuhunan sa bansa.
07:50Batay dito sa na-issue na Joint Memorandum Circular,
07:54ang BIR ay inatasang pabilisin ang proseso ng taxpayer registration
07:59para sa mga investment projects na inendorso ng Board of Investments o BOI
08:04sa pamamagitan ng One Stop Action Center for Strategic Investments.
08:09So dito naman, tinitiyak din ng BIR na ang aplikasyon ay inaaksyonan
08:13sa loob ng itinakdang panahon ayon sa aming Citizens Charter.
08:17Ang lahat ng ito ay bahagi ng aming priority program na Excellent Taxpayer Service
08:22at naayon sa advokasiyan ng Administrasyong Marcos
08:26na gawing mas madali, mabilis at predictable ang proseso ng pamumuhunan
08:31sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
08:34Ano man, sir, yung mga hakbang na ginagawa ng BIR
08:37para mapadali pa yung proseso para sa mga lokal at saka dayuhang mamumuhunan,
08:41lalo na yung tinatawag na strategic investments?
08:45Inatasan na po natin ang lahat ng opisina ng BIR
08:48na bigyan prioridad ang mga lokal at foreign investors,
08:51lalo na ang mga may strategic investments.
08:55Kabilang sa mga hakbang ay yung pagpapatupad ng Green Lane
08:58para sa mas mabilis na proseso ng registration,
09:02pagtalima sa time frame na itinakda sa Citizens Charter ng BIR
09:07at of course, yung pagbibigay ng technical assistance
09:10at training modules dito sa OSAC SI.
09:14Lahat po ito ay bahagi ng ating commitment
09:17sa pagpapabuti ng ease of doing business sa ating bansa.
09:20Pagdating naman sir sa processing at documentation,
09:24ano po yung mga tinutugunan na proseso ng BIR
09:27pagdating sa permit at registration ng investors?
09:31Tinututukan ng BIR ang mga sumusunod na proseso.
09:35Una dyan yung taxpayer registration ng mga strategic investors
09:38sa ilalim ng infinite.
09:40Pagsumitin ng monthly status updates sa BOI
09:43tungkol sa mga aplikasyon na natanggap at na-actionan.
09:46At dito rin, nagsasubmit tayo ng mga progress reports
09:50kaugnay ng implementasyon ng Joint Memorandum Circular.
09:53So pagdating naman sa progress reports,
09:56paano naman po ang monitoring ng BIR
09:58dito sa investment-related issues
10:00at yung proseso ng aplikasyon?
10:03May sistema po tayo para sa real-time monitoring
10:06ng investment-related concerns.
10:09Ito yung pag-monitor at documentation
10:12ng mga issue may kinalaman sa investment
10:14na isinasubmit dito sa infinite
10:17at pagbuo ng database ng mga madalas itanong
10:22o yung mga FAQs upang mapadali
10:24ang pagtugon sa mga investors.
10:27Nindito rin yung pag-sumitin ng buwanang ulat
10:30or monthly reports sa BOI
10:31hinggil sa progreso ng mga aplikasyon
10:34at yung pagtalaga ng focal person
10:37upang tumutok sa coordination at action
10:39sa mga investors' concerns.
10:41Ayan, napakaraming update mula kay Commissioner John.
10:44Maraming salamat sa update at syempre sa good news