00:00Hindi dapat maalarma ang taong bayan sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bansa sa Southeast Asia.
00:06Ayon sa Department of Health, nakikipag-ugnayan na sila sa Southeast Asian Nations upang makakuha ng informasyon at mapaghandaan ang pagkalat ng virus.
00:15Una ng napaulat na tumaas ang bilang ng COVID-19 sa Hong Kong at Singapore.
00:19Sa huling tala, umabot na sa 11,000 ang kaso ng COVID-19 sa Singapore nitong mga nakalipas na linggo.
00:26Nakapagtala naman ang Hong Kong ng 81 malalang kaso ng COVID-19 sa loob lang ng isang buwan.
00:32Sa Pilipinas, bumaba na sa mahigit 1,000 ang kaso ng COVID-19 mula sa mahigit 14,000 sa taong ito.
00:39Muli nagpaalala ang DOH sa publiko na magsuot ng face mask, manatili na lang sa bahay kung may sakit, maging malinis sa katawan at magpakonsulta sa doktor kung nakakaranas ng sintomas.