00:00Itinaas ng Department of Health o DOH ang Code White Alert ngayong Labor Day hanggang bukas May 2.
00:06Ito ay bilang paghahanda sa anumang health emergencies.
00:10Kalimitang idinedeklara ang Code White Alert tuwing may national events, holidays at selebrasyon
00:15para masiguro ang kahandaan ng healthcare facilities at personnel sa tugon o pagtugon sa anumang sakuna.
00:22Sa ilalong ng Code White Alert, inaasahang paggaganahin na ng mga ospital ang kanilang operations center.
00:28Kinakailangan din nahanda ang lahat ng medical personnel, lalo't higit ang mga naka-duty sa emergency rooms at critical care units sa posibleng dagsaan ng mga pasyente.
00:38Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsiguro ng ligtas at mapayapang selebrasyon ng Labor Day.