00:00Mga Kongresista, naniniwala na mas darami pa ang mga Pilipino na sasang-ayon sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:10Ito'y sa harap na lumabas na bagong survey ng Social Weather Station. May report sa Mela Les Moras.
00:15Sang-ayon si House Impeachment Prosecutor at Batangas 2nd District Representative Jervie Luistro sa pananaw ng maraming Pilipino na mukhang sadya o manong dinidelay ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:33Base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations, nakasaad na 44% sa 1,200 respondents ang naniniwala rito, 25% naman ang tutol habang 22% ang undecided at 9% ang walang masyadong kaalaman.
00:49Sabi ni Luistro, senyales lang ito na dapat na talagang masimulan ang impeachment trial sa lalong madaling panahon alinsunod na rin sa konstitusyon.
00:58I believe that all Filipinos are waiting, expecting, and anticipating na this time around ay matutuloy na ang pinakahihintay nilang impeachment trial.
01:11Gayunman sa kaparehong survey, mas marami rin ang nagsabing tutol sila sa mismong impeachment complaint na nasa 42%, habang 32% ang sumusuporta rito at 18% ang undecided at 7% ang walang masyadong kaalaman.
01:27Gito Luistro, kapag nasimulan na ang trial, kumpiyansa siyang magbabago pa ang pananaw ng iba nating kababayan.
01:34We have ample and strong evidence supporting the 7 articles of impeachment.
01:41And we honestly believe once we are allowed to proceed to the presentation of evidence,
01:47a lot of Filipinos will be watching and will be basing their respective position on the evidence that they will be seeing during the trial.
01:55That is why it is very important that we proceed to trial.
02:00Ang iba pang kongresista na pabor sa impeachment, ganito rin ang pananaw.
02:05Malino na malinaw po na talaga nagkakaroon ng delay, nagkakaroon ng dribbling kung ano-anong mga invented technicalities at invented issues ang ginagawa nila.
02:15Nakikita yan ng taong bayan kasi ang taong bayan ay gising.
02:21Kapag nadyan na yung ebidensya na nanalig kami, umaasa kami na maiiba yung pananaw ng mga nagsasabi na yan na hindi nila gusto ang impeachment.
02:31Una nang iginiit ng Senate Impeachment Court na hindi sila nagpapabaya ukol sa isyo ng impeachment.
02:37Habang si Vice President Duterte muli namang iginiit na political persecution lang umano ang ginagawa sa kanya ngayon, bagay na itinanggi ng mga kongresista.
02:47Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.