00:00Samantala, handang-handa na ang House Prosecution Team para sa presentasyon ng Senado sa Senado ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa June 11.
00:11Ang detalye ay alamin sa report ni Mela Les Moras.
00:16Hindi apektado ang House Prosecution Team sa iba't ibang issue na iniuugnay ngayon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
00:26Ayon kay San Juan City Representative Isabel Zamora, isa sa mga miyembro ng House Prosecution Team,
00:32tuloy-tuloy lang ang kanilang paghanda para sa presentasyon ng Articles of Impeachment sa Senado sa June 11.
00:39Kami pong prosecutors, dahil kami nga sumusunod lang kami sa saligang batas,
00:46umaasa kami na gagawin din nila ang kanilang duty sa ilalim ng saligang batas.
00:51Aminado si Zamora na ikinagulat nila na may binuboong resolusyon sa Senado para maibasura na ang impeachment kahit wala pa mang paglilitis.
01:01Pero hindi raw sila magpapatinag, lalo pat labag naman ito sa batas.
01:05I was shocked that there would be such a document going around considering that the mere drafting of this document shows that they were willing to violate the Constitution, the Supreme Law of the Land.
01:25So that in itself is very shocking for all of us.
01:29Tuloy lang po kami, we will be there.
01:31Sabi pa ng kongresista, unconstitutional din kung iwi-withdraw na lang ng Kamara ang reklamo o kung maiisipan ng Senado na ibalik na lang ito sa kanila.
01:41Sang-ayon din dyan si House Assistant Majority Leader Sia Alon to Adyong.
01:45Git ni Adyong, buwang suporta ng mayorya ng Kamara sa impeachment.
01:49Kaya't sa mga darating na araw, aabangan nila ang magiging pag-usad nito.
01:53Si House Deputy Majority Leader Paulo Ortega, una ng nanindigan na hindi sila dinidiktahan ni House Speaker Martin Romualdez sa usapin ng impeachment, taliwas sa ipinapakalat ng iba.
02:20May kanya-kanyang pong pag-iisip ang mga congressman.
02:23Kailangan po ang desisyon natin at the end of the day nang gagaling po sa mandato ng taong bayan.
02:29Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.