00:00Muling binigandiin ng mga kongresista ang kahalagahan ng isinusulong na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:07Sinagotin nila mga nagsasabing pamumulitikal lamang ito.
00:11Si Ben Alasmura sa Santo na Malita, live.
00:16Naomi nanindigan ang ilang kongresista na hindi witch hunt itong pagtutulot nila ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:25Sa halip, ipinanindigan nila na ito ay laban para sa katotohanan at accountability.
00:32Ayon kay House Impeachment Prosecutor Lawrence Defensor, may batayan at may malakas na ebidensya kaya nila patuloy na isinusulong ang pagkaharoon ng paglilitis ukol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:47Hindi anya tama na sabihin witch hunt lamang o pag-uusig ng walang sapat na basihan ang kanilang ginagawa.
00:53Pumalag din ang prosecutor laban sa mga patuloy na nagsasabing pamumulitikal lang umano ito.
00:59Sa hiwalay na panayam naman, kapwa rin tumugon si Nabicol Saro Partylist Representative Terry Ridon at Act Teachers Partylist Representative Antonio Tino laban sa mga batikos sa Kamara dahil sa issue ng impeachment.
01:11Sa mga puntong ito, pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ng mga kongresista.
01:15It's very unbecoming of a senator judge in an impeachment trial to say that the impeachment complaint and the trial is a witch hunt.
01:26Hindi dapat nanggagaling yun sa isang senator judge who are expected to receive the evidence with impartiality and to treat the impeachment as a constitutional process.
01:37Sana hindi na maulit yun. We should limit what we say to the public, especially how we prejudge the impeachment as well as the coming evidence during the trial.
01:48Well, I think we have to hunt for the truth. We have to hunt for accountability. We have to hunt for transparency.
01:55So, very important po yung proseso ng impeachment. I'm quite certain in the last Congress, talaga kung nakita nung pong mga dating kongresista at sa mga kasulukoy kongresista,
02:05ng peron pong batayan para itulak, isulo, i-approve, ipadala sa Senado yung pong impeachment ni Vice President Sara Duterte.
02:14Pag sinabi mong witch hunt, ibig sabihin nun, tingin mo, walang batayan. Yung inaape, yung opisyal ng walang batayan, hindi dapat ganun.
02:26Kaya nga ang hinihingi sa mga senador ay simulan ka agad yung trial.
02:32Naomi, bukod naman sa issue ng impeachment ngayong araw, ay tuloy-tuloy pa rin ang paghahain ng mga kongresista ng mga bagong panukala at resolusyon.
02:40At, Naomi, ngayong araw din ay day 2 na ng ikalawang batch ng mga kongresista na sumalang naman sa Executive Course on Legislation dito sa Kamara.