Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/30/2025
Presentation ng Articles of impeachment vs. VP Sara Duterte, iniurong sa June 11; Sen. Estrada, iginiit na tatalima ang Senado sa kanilang constitutional duty

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, mula June 2, iniurong ng Senado sa June 11 ang presentation ng impeachment articles laban kay Vice President Sara Duterte.
00:08Ayon sa liderato ng mataas na kapulungan, ito ay dahil uunahin ang pagtalakay sa mga natitirang priority bills ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:18Si Daniel Manalasta sa Sentro ng Balita.
00:22Pang-normal na sesyon lang ang ayos ng Senate Plenary Hall, ilang araw bago ang pagbabalik sesyon sa lunes.
00:29Pero makikita sa gilid ang witness stand na gagamitin para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:36Pinasilip na rin ang posibleng magiging holding area ng prosecution at defense team.
00:42Sa susunod na linggo sana, June 2, 2025, ang presentasyon o pagbasa ng articles of impeachment na magiging hudyat para makapag-convene na ang Senado bilang impeachment court.
00:53Pero inununsyo ni Senate President Francis G. Scudero na iuurong na ito sa June 11 para magbigay daan sa pagpasa ng mga prioridad ng panukalang batas.
01:03Sa sulat niya kay House Speaker Martin Romualdez, sinabi ni Scudero na nagkasundo sa LIDAC o Legislative Executive Development Council na ipapasa ang mga mahalagang panukala na nasa legislative agenda ng 19 Congress.
01:16Inisa-isa pa ni Scudero ang mga mahalagang panukalang yan.
01:21Sabi ni Senate President Pro Temporary Jingoy Estrada, ang pinakamandato pa rin ng Senado ay bumuon ng mga batas para sa kapakanan ng mga Pilipino.
01:29Pero hindi ba uulanin ang kritisismo ang naging pasya ng liderato ng Senado?
01:34Hindi naman. As long as we are really bound to hear the impeachment case against Vice President Sara Duterte, it is our constitutional duty to hear it.
01:48Subalit, pinalagaan ni Estrada ang mga patutsada na baka hindi matuloy ang impeachment trial.
01:53May mga bulong na hindi na rao uusad ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
02:02Dead on arrival daw. Kulang daw sa boto. Tapos na bago pa magsimula.
02:09They're standing lang yan and inuwala na lagi si Chismis.
02:12We are not going to abandon our constitutional duty to hear the impeachment case against the Vice President.
02:20Pero isa pang malaking tanong ay kung makakatawid ba sa 20th Congress sa impeachment, gayong na-file ito sa 19th Congress.
02:27At mayroon na lang dalawang linggo bago mag-adjourn ng kongreso.
02:31It is up to the Supreme Court to decide on that issue. It is not our decision.
02:37But at the same time, ako personally, as I look at both arguments, at the end of the day, it's really the rules of the Senate.
02:46Yung rules of the Senate, sariling rules namin eh, ng impeachment, which will be promulgated by June 2.
02:57So yun ang talagang dapat ma-thresh out na doon.
03:02Ang prinsipya kasi ng Senate is a continuing body. Kaya meron 12-12. 12 incumbent katulad ko, may 12 na bago.
03:12So continuing body siya. So yung principle ngayon, tingin ko ma-apply yan sa mga ganitong sitwasyon tulad ng impeachment.
03:21Kinumpirma ng Kamara na natanggap na nila ang opisyal na liham ni Escudero na pinadala kay Romualdez.
03:28At ipinasan na ito sa House Prosecution Panel para sa kanilang kaukulang aksyon.
03:34Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended