00:00Minigandiin ng DSWD, ang kahalagahan ng 20 bigas.
00:04Meron na program para higit na may lapit sa mga vulnerable sector ang abot kayang bigas.
00:09Samantala, sinisilip na ng Agriculture Department ang paggamit ng ilang traders sa programa para baratin ang presyo ng palay.
00:16Si Vel Custodio sa detalye.
00:21Naabutan naming bumibili si Lola Rosario ng 20 pesos per kilo na NFA rice sa kamuning public market.
00:27Pito sila sa pamilya na makikinabang sa murang bigas.
00:32Dati ang binibili namin yung tag-45 e, ngayon 20 na lang. Malaking bagay yung makakatipid kami malaking.
00:41At dahil maulan, si Pocholo na ang bumili ng bigas para sa kanyang Lola na naiwan sa bahay.
00:46Mas makakatipid po para sa kanila. Hindi po masyadong malaki yung budget para sa bigas.
00:51Mas malaki po yung natitipid namin kasi imbis na sa limang kilo po, is 300 plus po yung magagastos namin.
00:58Nasa 100 plus na lang. Ay, nasa 100 na lang po.
01:01Patuloy na nakikiisa ang Department of Social Welfare and Development sa hakbang na administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:08na gawing mas abot kaya para sa mga nasa vulnerable sectors ang bigas sa pamamagitan ng 20 bigas meron na program.
01:15Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, malaking tulong ito para sa mga Pilipinong nagsisikap na buhay ng kanina pamilya sa araw-araw.
01:24Nauna na rito ang pag-avail ng DSWD ng 35 NFA rice bags para sa disaster response at feeding program.
01:31Doon naman sa food stamp program nila, 20 pesos na bigas, ibibenta rin ng NFA para doon sa mga accredited na mga parang titahan or suppliers nila.
01:45Sa ngayon, 94 locations saang nagbibenta ng 20 pesos kada kilo na bigas.
01:50Kasama na rito ang bagong launch na 20 bigas meron na program sa Zapote Public Market na pinungunahan ni Pangulong Marcos Jr. kanina.
01:59Samantala, sinuyod naman ang DA ang mga lugar lalo na ang ilang nalawigan sa Central Luzon,
02:04kung saan ginagamit na traders ang 20 bigas meron na program para baratin ang presyo ng palay.
02:10Hindi dapat gamitin yun na dahilan kasi yung 20 pesos na bigas galing yun sa NFA na binili at 24 pesos.
02:22So why would they say na yun yung reason when in fact the palay na ginamit na maging bigas, naibinenta,
02:30because may subsidy ang gobyerno doon eh. Hindi dapat gamitin yun na rason.
02:34Tiniyak naman ang DA na nananatiling stable ang presyo ng bigas sa merkado.
02:39Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.