00:00Inilatag ng ilang ahensya ng pamahalaan ang iba't ibang hakbang upang maiwasan ang epekto ng mga pagbahas sa Metro Manila.
00:07Kabilang na po rito ang pagbuo ng Comprehensive Drainage Master Plan at relocation para sa mga nakatira malapit sa mga daloy ng tubig.
00:15Alamin natin ang detali sa report ni Bernard Ferrer.
00:20Dahil sa madalas sa pagulan, mas madalas na rin ang pagbahas sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
00:25Kabilang sa mga lugar ng Maisilo Circle sa Mandaluyong, Espanya Boulevard, Araneta Avenue, Edsa, Malapis sa Camp Aguinaldo,
00:35Top Avenue, mga bahagi ng Muntinlupa, Paranaque, Las Piñas, Marikina at Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:43Ayon sa MMDA, binabaha ang mga nabangit na lugar na sa dami ng tubig ulan, mababang lokasyon at problema sa basura.
00:49Bilang tugon, naglatag na namahakbang ang MMDA at Department of Public Works and Highways upang maibisan na epekto ng pagbaha.
00:56Sa Edsa, malapit sa Camp Aguinaldo, iminungkahan ang paggawa ng water impounding facility.
01:02Sa Marikina, kinakailangan ang pagtatayo ng Upper Marikina Dam.
01:06Sa Muntinlupa, Paranaque, Las Piñas, pinaplano na ang pagtatayo ng spillway bilang pangmatagalang solusyon.
01:12Sa kasalukuyan, may 71 pumping stations ang MMDA sa Metro Manila.
01:176 mga ito ang natapos ng i-rehabilitate tulad ng Balut, Vitas, Labasan, Paco, Makati at Santa Clara.
01:25Patuloy rin sinasa ilalim sa rehabilitasyon ang 20 pumping stations habang 4 naman ang kasalukuyang ginagawa.
01:31Pag natapos ito, may expect po natin na kung hindi man completely mawala yung baha, ay hindi po tataas.
01:39Kasi nga po, itong mga pumping stations po na ginagawa at nire-rehabilitate ay para mabilis mailabas yung tubig from Metro Manila papunta doon sa mga major tripletarities po natin.
01:56Kasalukuyang inaayos ang navigation gates sa Navotas bilang bahagi ng flood control measures.
02:02Regular din nagsasagawa ang MMDA ng declogging, dredging at desilting sa mga kanal at ilog.
02:08Nakikipagpulong na rin ang MMDA sa mga local government units sa Metro Manila upang mas mapagtuunan ang mga issues sa drainage system.
02:16Isa sa mga pangmatagalang solusyon na tinitingnan ng pamahalaan ay ang Comprehensive Drainage Master Plan
02:21at ang relokasyon ng mga residenteng naninirahan malapis sa mga daluyan ng tubig.
02:26Tiniyak ng MMDA ang kanilang kahandaan sa madalas sa pagulan at pagbaha sa Metro Manila.
02:30Nakanganda naman po yung ating emergency team na mag-respond sa anumang malalim na pagbaha in case na kailangan po ng rescue ng ating mga kababayan.
02:42Ganon din po yung mga LGUs nakahanda naman po.
02:46May enough equipment naman tayo to do that.
02:50At yun naman po sa pagbaha, again, nag-preposition na po tayo ng mga ating mga tauhan.
02:58Muli nilawagan ng MMDA sa publiko na iwasan ang basang pagtatapo ng basura at sumunod sa waste segregation upang maiwasan ang mas malalang pagbaha.
03:07Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.