00:00Inirekomenda ng isang ekonomista ang pagbuo ng isang task force para tulungan ang mga sektor na maapektuan ng reciprocal tariff ng Estados Unidos.
00:10Si Bea Gaza de Guzman ng Radio Pilipinas sa Balitang Pambansa.
00:15Mahalaga ang pagbuo ng task force para matugunan ang posibleng epekto ng pagpataw ng taripa ng Estados Unidos sa Pilipinas.
00:22Yan ang rekomendasyon ng ekonomista na si Dr. Michael Batu sa panayam sa kanya ng Radio Pilipinas Road Service.
00:30At dahil mga economic manager ang magiging miyembro nito, madalian niyang matutukoy ang mga apektadong sektor at mga kinakailangan nilang tulong.
00:38May mga maapektuhan, Ray, as a result of this tariff. Baka may mga mawala ng trabaho, baka may mga companies na magsara.
00:45Paano matutulungan ng gobyerno itong mga maapektuhan ng mga kababayan natin dyan sa Pilipinas?
00:51Bukod sa pagbuo ng task force at engagement strategy upang isulong ang zero tariff,
00:56mainam din anyang lumikha ng mga polisiyang magpapabilis ng pamumuhunan.
01:00More importantly is what kind of policy interventions are needed to create the right conditions para mas mapabilis,
01:08na ma-attract yung mga investments as a result of yung trade diversion na napag-uusapan natin.
01:14Puna na sinuspindi ng siyam na pungaraw ni US President Donald Trump ang reciprocal tariff sa ilang mga bansa,
01:20maliba na lamang sa mga itinuturing niyang worst offenders tulad ng China, Vietnam, South Africa,
01:26at ilan pang mga bansa nakasapin ang European Union.
01:29Bula sa Radyo Pilipinas, Bea Gaza de Guzman para sa Balitang Pambansa.