00:00Puspusa na ang paghatid ng tulong ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard kasabay ng pananalasa ng habagat.
00:07Para sa update, makakausap naman natin via Zoom si Captain Noemi Kayabyab, spokesperson ng Philippine Coast Guard.
00:13Magandang gabi po, Captain Kayabyab.
00:17Magandang gabi po sa ating lahat at sa ating mga taga-subaybay sa ating programa.
00:23Captain Noemi, kumusta na po ang inyong assessment sa mga apektadong lugar?
00:27At mahigpit pa rin po bang ipinagbabawal ang paglalayag ng mga barkong pandagad?
00:35As of the moment, wala na po tayong naitala ng mga stranded na passengers po.
00:40Although meron lang po mga motorbanks, yung mga maliliit po ng mga banka na nakateke shelter, particularly sa area po ng Cavite.
00:47Okay, matapos po ang bagyong krising, nananalasa na rin ngayon ang bagyong dante.
00:52Gaano po kahanda ang ahensya sa pagsasagawa ng rescue at relief operations?
00:57Ang Philippine Coast Guard po ay handang-handa at naka-activate na po ang ating deployable response group.
01:06Nagbigay na po ng direktiba ang aming kumandante na si Admiral Gabal na naka-full heightened alert na po ang lahat ng aming Coast Guard districts.
01:14Kasabay po doon ay naka-strategically deployed na rin po ang lahat ng aming assets,
01:19kasama po ang aming mga tauhan at mga radio equipments po.
01:22Captain Noymi, ano po ang assessment ng Philippine Coast Guard sa pinsalang iniwan ng bagyong krising, lalo na sa mga baybaying dagat?
01:35Ang nangyari lang po, we think na mas mataas po ang security and safety awareness po ng ating coastal communities,
01:44kaya medyo nabawasan po ang naging pinsala, particular yung mga incident po na nai-report sa atin.
01:50So sa buong operasyon po natin sa Typhoon Krising ay meron pong naitala ng mga missing fishermen,
01:57pero after po ng ilang oras, nakita na rin po natin.
02:01So hindi po ganun kalaki ang nakita po natin yung pinsala pagating po sa coastal communities.
02:06May mga pre-emptive evacuation po ba sa coastal communities na tinutulungan rin po ba ng PCG?
02:14Yes, meron po tayong programa. Ito po yung tinatawag natin na eye care program,
02:19ang Intensive Community Assistance Awareness Rescue Enforcement.
02:23So ito po yung may papapaiting ng kooperasyon at partnership,
02:26hindi lamang po sa local government units, pati po sa ating mga barangay.
02:30So nagkaroon po tayo ng magandang partnership at maagang pag-aanunsyo,
02:36kaya nagkaroon po tayo ng maagang pag-iikas ng ating mga kababayan po.
02:41Ano po ang paalala ng PCG sa mga pasahero, mangingisda at sea vessel operators ngayong panahon ng bagyo po?
02:50Sa panahon po ngayon, medyo lumalakas na rin po ang hangin at alon dahil na rin po sa dala ng habagat.
02:56So ang aming lang pong constant reminder sa ating mga fishermen ay kung ako pwede,
03:01kung before po sila umalis, ay i-check po muna ang anunsyo ng pag-asa.
03:06At the same time po, kung hindi naman po ganun ka-importante,
03:09ay ipagpaliban po muna ang kanilang pag-alis sa kanilang mga pantalan.
03:13At kung hindi po maiiwasan, ay magroon po ng close coordination sa ating mga local barangays
03:19para malaman po po saan po sila pupunta.
03:22At maibigay po rin natin yung ating mga contact numbers.
03:24At rin pong pinapalalahanan na palagi po magdala na mga life-saving equipments,
03:29batteries, cellphones na nakalagay po sa plastic na covered.
03:34And huwag po sila mag-atubili na tumawag sa Philippine Coast Guard
03:37kung meron pong insidente o meron pong tulong na kailangan po natin ibigay sa kanila.
03:43Isang karagdagang tanong lang po, to add po sa sinabi niyo kanina,
03:47paano po maaaring makipag-ugnayan ang publiko kung kailangan nalang mag-report ng emergency?
03:54So ito po ang aming telephone number.
03:57Ito po ay bukas 24-7 bukod po sa aming Facebook account at iba pong social media platform.
04:02So ito po, 0966-217-9610 and 0927-560-7729.
04:13So bukod po doon sa pagbibigay po natin ng awareness sa ating coastal communities,
04:19ito po nakaraang araw ay nagbigay rin po tayo ng libre sakay
04:22sa pakikipagtulungan po at direktiba na rin ng ating Secretary Ben Stison,
04:27kasama po ang PPA.
04:29So nagbigay po tayo na libre sakay sa ating mga commuters
04:32dahil na-assess po natin ang maiba pong area sa Metro Manila
04:35na medyo tumaas po ang level ng tubig.
04:38So hanggang ngayon po ay ongoing po ang ginagawa po nating servisyo para sa commuters.
04:44Maraming salamat po Captain Noemi Kayabyab at tagapagsalita ng Philippine Coast Guard.