00:00Alamin naman natin ang isinasagawang relief operations ng Office of Civil Defense.
00:06Makakapanayam natin muli si OCD Officer in Charge, ASEC Bernardo Rafaelito Alejandro IV.
00:12Magandang gabi po, ASEC. Si Sharm Cespina po ito ng People's Television Network.
00:18Yes, good evening. Magandang gabi.
00:20Good evening, sir. Kamusta po ngayon ang aksyon ng OCD kaugnay nitong Habagat at Bagyong Dante?
00:26At saang lugar po tayo nakatutok ngayon?
00:30Oo, nakatutok tayo ngayon sa Metro Manila at neighboring provinces around Metro Manila like Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal.
00:39Kasi dito po talaga tumagal yung ulan.
00:42For the last two days, talagang grabe ang nag-red warning pa nga dito sa NCR.
00:48So for now, halos 63 million worth of assistance na ang naibigay natin.
00:54Close to 200,000 family food packs na ang naibigay ng ating DSWD.
01:03So marami tayong natulungan dito sa NCR at saka Region 3 kasi dito tayo nakatutok for the last two days.
01:11So that is in addition dun sa mga affected last week nung sa NIR at saka sa Panay at Palawan na provinces.
01:19Asek, base po doon sa isinasagawa ninyong pre-disaster risk assessment, ano po ang worst case scenarios na pinag-hahandaan ngayon ng OCD?
01:30O ang pinag-hahandaan talaga natin ngayon na based sa forecast or yung PIDRA na tinatawag natin ay yung tuloy-tuloy na pagbaha dito sa Metro Manila and then sa Region 3 and 4A hanggang sa Northern Luzon.
01:44Itong western provinces ng Northern Luzon, baha pati na rin ng mga landslides, yan ang pinag-hahandaan natin.
01:54Yan po ang worst case scenario na gusto nating tutukan at ma-address kaagad kung may kailangan na tulong po.
02:02Asek, may mga na-deklara na ba na state of calamity at kumusta na po ang mga nasa evacuation center?
02:11Oo, tuloy-tuloy naman ang pagbigay natin tulong sa mga nasa evacuation center.
02:15So we are operating more or less as of this evening, 501 evacuation centers nationwide na yan kasi meron pa tayong almost 50,000 individuals.
02:27So tuloy-tuloy ang pagbigay natin tulong kasama dyan ang DSWD and ang DOH na tumitingin naman sa kalusugan ng ating mga evacuees.
02:38So tuloy-tuloy ang ating pagbibigay tulong sa mga local government units.
02:42Asek, ano pong ginagawa natin para mapabilis ang pagdala ng tulong lalo na sa mga liblib na lugar?
02:50Oo, we are utilizing itong ating cluster approach.
02:55So tinutulungan natin yung ating DSWD na ma-transport kaagad itong mga relief items sa mga lugar na kailangan dalhin.
03:03So we have transport services coming from our uniform service.
03:08Nandyan po ang ating AFP, ang ating Coast Guard, ang ating PNP.
03:12So ginagamit natin yung mga trucks nila.
03:14That is in addition to what we have sa DSWD and OCD na mga trucking services.
03:19Ngayon, kung kailangan talaga ilipad at kaya na ng weather natin,
03:24we will be using yung ating mga sariling helicopter from the Philippine Air Force.
03:28May sapat po ba tayong supply ng relief goods sa mga apektadong lugar?
03:34Opo, nakakalat na po yung ating mga preposition relief items from DSWD, pati na rin sa OCD.
03:41Meron tayong close to 3 million family food packs na nakahanda.
03:45And then sa OCD naman, we have more than enough,
03:49nasa 20,000 assorted items na nakaredy dito sa mga areas na pwedeng ipamigay
03:56o ibigay kaagad sa mga local government units natin.
04:01Paalala at mensahe na lang po, ASEC, sa ating mga kababayan.
04:04O tulad ng sinabi ng ating Pangulo, si Ferdinand Marcos Jr.,
04:10na reminder sa lahat, makinig po tayo at sumunod sa ating mga local authorities.
04:15Kung kailangan po mag-conduct ng preemptive evacuation,
04:18ay sumunod po.
04:19Kung kailangan po pumunta sa evacuation centers para sa kaligtasan natin,
04:24at sa safety, ay sumunod po tayo sa mga authorities.
04:28So, ang kailangan natin ngayon, kooperasyon.
04:31Mahaba pa po ito.
04:32Meron pa pong bagong LPA or itong Dante na pumasok na.
04:37At tuloy-tuloy po ang pag-ulan hanggang mga Thursday or Friday.