00:00Personal na nag-ikot sa DSWD si Secretary Rex Gatchalian para tiyaking na kararating ang tulong sa mga labis na nasalanta ng kalamidad.
00:09Samantala, pag-ibig fund handa rin sa paghahatid ng tulong sa mga membro nito.
00:14Alamin natin ang detalye sa report ni Floyd Brands.
00:19Walang patid sa pamamahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development o DSWD
00:26sa mga nangangailangang kababayan dala ng patuloy na sama ng panahon, dulot ng habagat at dalawang LPA.
00:34Kami lang na dyan ang masigasig na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa angkop at mabilis na tulong.
00:41Sa katunayan po, as of 6 a.m. today, more than 66 million pesos worth of humanitarian assistance.
00:48Yung naipaabot na po natin sa libu-libong mga apektado, nito nga pong nagdaang na bagyong krising at ng habagat.
00:58Patuloy ding nag-iikot ang kalihim ng DSWD si Secretary Rex Gatchalian para personal na tiyakin na nakakarating ang tulong sa mga kababayang labis na nasalanta.
01:09Ang DSWD ay patuloy po na nag-pro-produce ng mga family food packs sa ating pong dalawang major production hubs,
01:16dyan po sa National Resource Operations Center at sa Pisayas Disaster Response Center.
01:22Araw-araw po tayo na nag-pro-produce ng mga family food packs.
01:26At ang ginagawa po natin, nag-pre-preposition tayo sa iba't-ibang warehouses na atend sa iba't-ibang lugar sa ating pong bansa.
01:32Para tugunan naman ang pangangailangan ng mga miyembro ng pag-ibig na nasalanta ng matinding baha,
01:40may tulong na ibinibigay ang ahensya para sa mga kwalifikadong miyembro.
01:44Bilang tugun po sa direktiba po ng ating mahal na Pangulo,
01:51agad-agad po na nag-mobilize ang pag-ibig fund ng Calamity Loan
01:55para po handa tayo sa mga members na maaaring tumakbo sa atin for financial assistance.
02:04Ito po'y bukas para sa mga miyembro na ang kanilang mga lugar, kanilang mga area ay idiniklara under state of calamity.
02:14Pinagaan pa ng ahensya ang paraan ng pagbabayad para makatulong na mas makabangon ang mga miyembro na nag-avail ng programa.
02:21Binibigyan po natin sila ng palugit para po lalo silang makarecover.
02:27Lalo na po eh kung may dulot po ng calamity yung kanilang dinadana.
02:33Kaya po yung payment ng calamity loan natin eh hindi po magsisimula after 3 months pa.
02:41Tiniyak naman ang Meralco na kaagad na maibabalik ang supply ng kuryente sa mga lugar sa Metro Manila sa sandaling humupa na ang baha.
02:49First consideration po namin is yung safety po ng community.
02:56Mahirap po magsapalaran in terms of public safety.
03:01Dito sa lam naman natin ang tubig at ang kuryente is a deadly mix.
03:06And so we'd rather really consider very seriously the safety implications bago po kami mag-restore ng tuloy-tuluyan.
03:20Floyd Brenz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.