00:00Sa harap ng Bantanang Sakuna, tiniyak ng pamahalaan ang puspusang paghahanda ng iba't ibang ahensya para mabawasan ang posibleng epekto nito.
00:09May report si Claycel Pardilla.
00:15Matinding baha at paguho ng lupa, ilan lamang yan sa epekto ng malalakas at sunod-sunod na bagyo tuwing tag-ulan.
00:23Bago pa mangyari yan, tiniyak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakalatag na ang mga hakbang ng pamahalaan para maibsan ang mga bantanang sakuna.
00:36Puspusa na ang paggawa ng Department of Public Works and Highways sa mga proyekto na tutugon sa pagbaha.
00:42Natapos na ng DPWH ang higit 2,000 square meter concrete slope project sa Bagac Mariveles Road sa Bataan.
00:50Di lamang napaikli ang daan, naglagay din ang 459 linear meter drainage canal na sasalo sa tubig ulan at magpapatatag sa lupa upang maiwasan ang landslide sa lugar.
01:04Nakagawa na rin ang master plan sa labinwalong malalaking ilog sa bansa na batayan sa konstruksyon ng mga infrastruktura gaya ng mga flood reserva.
01:13Halimbawa diyan ang Imo Sever Basin Flood Control Project na nagsisilbing imbaka ng tubig para maiwasan ang malalang pagbaha sa mga mabababang lugar.
01:24So asahan po natin at maging lagi tayong handa sa pagbaha although hindi natin masasabing 100% agad na mababawasan ang pagbaba sa ating bansa pero patuloy pa rin po ang pagsasagawa ng DPWH para po maibsan ang problema rito.
01:43Handa rin ang Department of Science and Technology at pag-asa sa paghatid ng mga early warning system.
01:50May centralized alert system ang ahensya para makapaghatid ng mabilis na abiso tungkol sa lagay ng panahon.
01:58Pinaigting naman ang Health Department ang kampanya laban sa mga sakit tuwing tag-ulan gaya ng dengue.
02:05Habang ang Agriculture Department siniguro ang sapat na supply ng bigas ngayong tag-ulan.
02:10Handa po sila sa mga food security lalo-lalo na po na okay naman po ang supply ng ating bigas sa kasulukuyan.
02:23At maliban po yan pati po yung DSWD sinabi po nila na handa rin po sila sa feeding program.
02:30Kamakailan lamang sinabi ng National Food Authority na abot sa 7.56 na milyong sako ng bigas ang imbentaryo ng ahensya
02:39na ginagamit sa pagbibenta ng 20 bigas meron na at pagtugon sa pangangailangan sa panahon ng sakuna.
02:46Kaleizal Pordilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.