00:00Samantala, hingi rin tayo ng update kaya Commissioner June sa BIR.
00:04Comjun, dito po sa mga gumagamit ng ghost receipts.
00:08Ano po ang naging basihan ng BIR para magsampan ang kaso laban sa ED Buen Viaje Builders at Synergy Sales International Corporation?
00:18Yes, at ito nga, meron na naman panibagong kinasuhan tayo at nanalo po dito sa DOJ.
00:25At sinampahan po, ito yung paggamit ng mga ghost receipts na tinatawag po natin.
00:31Bumibili sila ng mga ghost receipts or yung mga resibo na hindi naman talaga, wala naman talagang produktong binenta.
00:39So ito, napanalo po ulit natin ito sa Department of Justice at patuloy ang pagsampan ng kaso natin laban sa iba't iba pang gumagamit ng mga ghost receipts.
00:47Comjun, kaugnay nitong ghost receipts, ano naman po ang naging bataya ng BIR sa pagsampan ng kaso laban sa world balance?
00:55At sa kanilang mga opisyal? At paano po napatunayan ng BIR na may ginamit ng ghost receipts ang world balance sa kanilang tax filings mula 2018 hanggang 2021?
01:07Ito, inaudit din natin ang world balance at nakita po natin na malaki-laki po rin ang ginamit nilang mga ghost receipts.
01:14At chinek po natin sa pag-audit natin yung mga kumpanya na ginamit nila yung mga resibo na ito at nakita natin na non-existent po talaga.
01:23At walang operations ang mga kumpanya na nag-issue ng mga resibo at ginamit ng world balance ng mga resibo para pababaan ang kanilang VAT at yung income tax.
01:34So again, wala itong biniling produkto sa mga kumpanyang ito, walang servisyong in-avail kundi ang paggamit lamang ng mga resibo para mapababa ang kanilang babayaran na VAT at income tax.
01:48Ito, congratulations ba, Comjun? Ano po yung masasabi nyo naman sa nakuha ninyong Executive Certificate in Public Leadership mula sa Harvard Kennedy School?
02:00Well, isang malaking karangalan nito, of course, patuloy ang ginagawa natin na improvement sa atin pong sarili para naman mas maging epektibo tayo sa paghatid ng mga servisyo publiko.
02:12So, ito yung mga, itong Executive Certificate na ito, of course, iba't iba yung nakuha natin na kinuha nating Executive Courses para mabuo itong Executive Certificate in Public Leadership.
02:24Again, hangarin po natin sa pag-avail po nito at mag-aral po ay ina-admit po natin na maraming pa rin talagang kailangan matutunan at kinakailangan para mas maging epektibo ang pagsilbi natin sa publiko.
02:39I'm pretty sure magagamit nyo yan, Comjun, para sa mas, as you said, efektibong pamumuno ninyo ng BIR.