00:00Igi na ba bahala ng Commission on Population and Development ang pagtaas ng bilang ng mga batang edad 10 hanggang 15 na nabubuntis?
00:10Yan ang ulat ni Noel Talakay Exclusive.
00:17Nakakabahala na ang pagtaas ng bilang ng mga batang babaeng nabubuntis lalo na at pabata ng pabata ito ayon sa Commission on Population and Development.
00:26Batay sa kanilang tala, simula 2019, nasa higit 2,000 ang bilang ng mga batang babaeng may edad 10 hanggang 14 ang nanganak at umabot ng mahigit 3,000 noong 2023.
00:41Kasi nga, 10 to 14 cases are increasing. In fact, meron pang nanganak na 9 years older na buntis ng 8. So, nakaka-alarm ito.
00:50Ayon sa Commission on Population and Development, pangunahing mga rason dito ay abuso, easy access sa pornography materials at social media, peer pressure, at pagiging sarado pa rin ang ilang magulang sa usaping sex.
01:07Aminado ang CPD na mali ang napagkukunan na impormasyon hinggil sa sex ng mga kabataan.
01:14Kulang po ang tamang impormasyon tungkol sa sex at reproductive health ng ating mga young people, ng ating mga young Filipinos.
01:22Bilang tugon dito, may ginawang website ang Commission on Population and Development kung saan pwedeng makakuha ng kasagutan ang mga kabataan kaugnay sa usaping sex at maaring ma-access din sa kanilang mga social media accounts.
01:36Kumuha ng mga information sa website, malayaako.ph. Meron din sa Facebook, malaya akong maging. So, andun yung mga tanong na hindi matanong-tanong na ating mga kabataan.
01:47Sinabi rin nito na ang Northern Mindanao ang pinatututukan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcus Jr. dahil dito ang may pinakamaraming kaso ng early pregnancy.
01:58Kasi in terms of proportion, mataas ang Region 10 sa adolescent pregnancy. So, tinututukan yun ngayon.
02:04Bilang pagdiriwang ng World Population Day sa Biyarnes, tututukan ng Komisyon ang problema sa pagbubuntis ng mga batang 10 to 14 years old upang matugunan ito.
02:17Ayon sa Komisyon ng Population and Development, patuloy ang kanilang pakikipagugnayan sa mga educational institution at religious group upang patuloy na matugunan ang lumalalang kaso ng teenage pregnancy sa bansa.
02:31At nais din nilang ma-i-align ang prinsipyo at values sa pagtuturo ng sex education sa bansa.
02:39Noelle Talakay para sa Pabasan TV sa Bagong Pilipinas.