00:00Malasakit kapatawaran at pagkakaisa. Yan ang mensahin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Linggo ng Pagkabuhay ng ating Panginoong Heso Kristo.
00:09Si Claizel Pardilla ng PTV sa Balita ang Pambansa.
00:15Nanawagan ng pagkilos at pagkakaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagunita ng Linggo ng Pagkabuhay ni Jesus ngayong Semana Santa.
00:26Ayon kay Pangulong Marcos, hindi lamang ito panahon ng pagdiriwang, kundi simbolo ng tagumpay, pag-asa at liwanag.
00:35Refleksyon din anya ito ng pagmamahal sa atin ng Diyos, malasakit, kapatawaran at pagkakaisa.
00:43Gaya ng pagbangon ni Jesus, hinimok ni Pangulong Marcos ang mga Pilipino na sama-samang tumindig at kumilos sa pamamagitan ng pagbuo at pagtupad sa mga patakarang
00:56makapagpapabuti sa ating kapakanan, batas na magpoprotekta sa ating lipunan, at paglilingkod na walang pinipili at may iwan.
01:07Hindi anya sapat na sabihin muling nabuhay si Jesus kung pababayaan naman ang ating kapwa na mabaon sa utang, gutong at katahimikan.
01:17Hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na ipakita ang pananampalataya sa pagawa at makibahagi sa pagtataguyod ng bagong Pilipinas.
01:29Marami anya tayong magagawa na maaring makapagpabago hindi lamang ng ating mga sarili, kundi sa kabutihan din ng ating bansa.
01:39Mula sa PTV, Kaleizal Pardilia, Balitang Pambansa.