00:00Nakikita na ang resulta ng pagsisikap ng Administrasyon Marcos Jr. para mapababa ang presyo ng mga bilihin at palakasin ang ekonomiya ng bansa.
00:09Kasunod na rin yan ng naitalang mababang inflation itong buwan ng Abril.
00:14Si Alvin Baldazar na Radio Pilipinas sa Balitang Pambansa.
00:19Bunga ng pagsisikap ng Administrasyon na palakasin at patatagin ang ekonomiya ng pinakahuling ang taas ng inflation rate na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA.
00:29Ayon kay Palas Press Officer at PCO, Undersecretara Tony Claire Castro, ito na ang pinakamababang inflation rate na naitala sa bansa simula noong Nobyembre 2019 na nasa 1.2%.
00:41Ipinahayag ni Castro na base na din sa datos na nakuha nila sa Philippine Statistics Authority, bumagal sa 1.4% ang headline inflation rate ng bansa o ang pagtas ng presyo ng mga produkto.
00:54Kasama na din ang servisyo nitong Abril mula 1.8% nitong Marso.
00:59Kahayagan na niya ito na nagbubunga ang pagsisikap ng pamahalaang lalo pang mapatatag ang ekonomiya sa gitna ng mga hamong kinakaharap,
01:07maging sa pandaigdig ang senaryo na nakakaapekto sa presyo ng mga bilhin.
01:12Ang pagbaba ng inflation rate ay patunay na patuloy ang pagsisikap ng Pangulong Marcos Jr. at ng administrasyon na palakasin ang ating ekonomiya.
01:23Ang pagbaba ng inflation rate ay dahila din sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages na nasa 0.9%.
01:33Nakatulong din ang pagbaba ng presyo ng transport na nasa negative 2.1% bunsod ng mabilis na pagbaba ng presyo ng gasolina.
01:42Nakatulong din ang pagbaba ng presyo ng transport na nasa negative 2.1% bunsod ito ng mabilis na pagbaba ng presyo ng gasolina.
01:52Para sa Balitang Pambansa, Alvin Baltasar ng Radyo Pilipinas.