00:00Naglatag ng iba't ibang mungkahi ang mga mamabatas para maiwasan ang mga trahedya sa kalsada.
00:06Sinusulong na rin ng malalimang investigasyon sa nangyaring pagbangga ng isang SUV sa Naiya Terminal 1.
00:14Yan ang ulat ni Melalas Moras.
00:18Nanindigan ang ilang kongresista na dapat ay may mapanagot hinggil sa sunod-sunod na trahedya sa kalsada sa bansa.
00:25Nito lang linggo, dalawa ang nasawi sa pagbangga ng isang SUV sa departure area ng Naiya Terminal 1 sa Pasay City.
00:33Ayon kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas, particular niyang napansin ang security bollards sa lugar.
00:40Dahil hindi ito gumana, dapat anyang matukoy kung ano ang naging problema o nagkaroon ba rito ng korupsyon.
00:47Mababaw talaga yung bollard. So parang lumalabas substandard ito.
00:52Eh, mas malalim yung issue, ibig sabihin.
00:56Kasi kung ganun pala yung mga ginagamit, lalong-lalo na dun sa mga kontrata, sa pamahalaan, ano na lang mangyayari sa atin.
01:05Si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera, binigyan din naman ang kahalagahan ng first aid sa ganitong mga insidente.
01:12Una nang ikinagimbal ng marami ang karambola sa SETEX nitong May 1 kung saan sampo ang namatay.
01:18Gait ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adyong, sa ngayon, dapat na talagang masigpitan na ang mga regulasyon sa kalsada sa bansa.
01:27I would think na dapat kailangan na talaga ng review ng ating Land Transportation Traffic Code.
01:33Maging pedestrian-centered ang ating polisya sa trafiko.
01:38Sang-ayo naman dyan si Sen. J.B. Ejercito, lalo pat buhay ang nakataya rito.
01:43Si Sen. Grace Poe naman, suportado ang bagong patakaraan na inilatag ni Transportation Secretary Vince Dixon na mandatory drug testing para sa mga PUV drivers.
01:53Habang si Senate Committee on Public Services Chair Rafi Tulfo,
01:56iginiit na dapat din reviewin kung lahat ng public utility bus operators ay sumusunod sa labor standards.
02:03Sa ngayon, patuloy ang investigasyon ukol sa mga insidente ito.
02:07Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.