00:00Ang National Security Council hinimok ang ating mga maingisda na aktibong makibahagi sa pagmamonitor sa ating karagatan.
00:07May balitang pambansa si Diane Gorembalem ng PIA Mimaropa.
00:13Hinikayat ng National Security Council o NSC ang mga mangingisda na aktibong makibahagi sa pagmamonitor ng ating karagatan,
00:22particular sa kanlurang dagad ng Pilipinas o West Philippine Sea para mapaigting ang siguridad pang karagatan sa bansa.
00:28Sa isinagawang Kongreso ng Mangingisda para sa Kapayapaan at Kaunlaran sa Bayan ng San Jose Occidental Mindoro nitong Abril,
00:36binigyang diin ni NSC Director Romeo Racadio ang mahalagang gampani ng mga mangingisda sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating karagatan.
00:45Dagdag ni Racadio, malaki ang maitutulong ng kooperasyon ng mga mangingisda sa mga programa ng pamahalaan,
00:51particular sa monitoring system nito sa ating mga karagatan.
00:55Marami na tayong inosyatibo para magpapagawa natin kapalakas natin ang sistema so that itong security blanket na tinatawag
01:06ay hindi man natin ma-perfect pero meron tayong sistema.
01:12And with that, pataas ang level ng kooperasyon.
01:14Samantala, pinaalala rin ni BIFAR Mimaropa Regional Director Roberto Abrera ang responsibilidad ng mga mangingisda na magbigay ng ulat ng kanilang huli sa ahensya.
01:27Upang mas mapalakas ang mga mangingisda sa West Philippine Sea,
01:30inilunsad ng BIFAR ang livelihood activities to enhance fisheries yields and economic gains from the West Philippine Sea o LIAG WPS.
01:38Mula sa Philippine Information Agency, Mimaropa, Diane Gorembalem para sa Balitang Pambansa.