00:00Patuloy naman ang tinatangkilig ng mga Pilipino ang binibentang 20 pesos na kada kilong bigas sa mga kadiwa store.
00:07Hindi naman nagbago ang presyo ng gulay sa ilang mga pamilihan sa kabila ng mga pagulan.
00:12Si Dennis Osorio sa Sentro ng Balita.
00:17Sa kadiwa ng Pangulo sa Kamuning Market, alas 6 ng umaga pa lang marami nang bumibili ng 20 pesos kada kilo na bigas.
00:25Si Lolo Egay, limang katao ang pinapakain sa bahay at dahil sa 20 pesos na bigas, pasok na pasok sa budget nila ito dahil kasha sa halos isang linggo ang 10 kilo.
00:36Matagal na, mula mag-umpisa rito yung kadiwa benda.
00:41Yung 10 kilo sa amin, ano yun eh, 2, ano, 8 days ganun.
00:45Kwento pa ni Lolo Egay, malakas kumain ang kanyang dalawang apo, kung kaya't malaking tulong ang 20 pesos per kilo.
00:52Oo, malaki, siyempre eh. Kisipin mo, 20 pesos ang kilo. Eh, dati binibili ko 55, 56 eh.
01:03O ngayon, 20 pesos, laki ng tipid, diba?
01:07Ayon sa nagtitinda, karaniwang dinadagsa talaga ang 20 bigas kapag umaga dahil 6 a.m. hanggang 2 p.m. lang ito binibenta.
01:15At ang karaniwan niyang suki ay mga senior citizens.
01:20Pero hindi sapat ang kanin lang sa hapagkainan.
01:23At kailangan healthy tayo sa tag-ulan.
01:25Kaya heto ang presyuhan ng ating mga gulay.
01:28Para sa mga pangsahog natin, 60 pesos kada kilo ang kamatis,
01:32170 pesos naman ang kada kilo ng bawang,
01:36at 120 pesos hanggang 140 pesos ang kada kilo ng sibuyas.
01:40Ang patatas, 80 pesos kada kilo, carrots, 100 pesos kada kilo,
01:46talong, 120 pesos kada kilo, at luya, 220 pesos kada kilo.
01:52Para sa repolyo, 90 pesos per kilo, pechay, 120 pesos per kilo,
01:57ampalaya, 130 pesos per kilo, at sayote, 50 pesos per kilo.
02:03Ayon sa mga nagbebenta ng gulay,
02:05hindi pa naman gumagalaw ang presyuhan ng gulay kahit na malakas ang ulan.
02:09Ayon sa Department of Agriculture kahapon,
02:12maliit ang pinsala ng bagyong bising,
02:15at sa katunayan, nakakatulong pa ang ulan
02:17para ihanda ang lupa para sa susunod na taniman.
02:21Dagdag pa ng DA,
02:22dahil din sa magandang ani noong nakaraang dry season,
02:26posibleng maaaring magresulta ito sa pagbaba ng importasyon
02:30at mas abot kayang presyo sa mga darating na buwan.
02:34Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.