00:00Nagpapatuloy ang mas pinalawak na servisyo ng Kadiwa ng Pangulo para sa 20 pesos kada kilong bigas at iba pang mas murang bilihin. Yan ang ulat ni Noelle Talacay.
00:11Isa si Nanay Gloria sa mga maagang pumila sa Kadiwa ng Pangulo sa compound ng Department of Agriculture para bumili ng bigas sa halagang 20 pesos kada kilo.
00:24Ngayon pa lamang niya masusubukan ang murang bigas matapos mahikayat ng mga kapitbahay na natuwa sa kalidad nito matapos maluto.
00:34Inaasahan ni Nanay Gloria na malaki ang matitipid sa kanyang budget ngayong araw.
00:40Saan mo naman gagamitin yung matitipid?
00:42O di sa ulam naman. Sa ulam, maintenance ng gamot, maraming pakakagastusan.
00:48Prioridad ng programang ito ni Pangulong Marcos Jr. ay ang mga four-piece beneficiaries, senior citizen, PWD, single parent.
00:58Kailangan lamang nilang magpakita ng ID.
01:01Sa ngayon, limitado sa 10 kilo kada araw o 30 kilo kada buwan ang maaring bilhing bigas ng bawat individual.
01:09Patuloy din na mabibili dito ang abot kayang presyo ng gulay tulad ng sitaw, sayote, kabatis, pipino, talong, carrot, pechay bagyo, patatas, sealing green, repolyo, ampalaya, okra, red onion, at cauliflower.
01:28Direkta itong binili mula sa mga magsasaka sa Pangasinan at Weba Biscaya.
01:34Tiniyak ni Department of Agriculture, Secretary Francisco Chu Laurel Jr. na magpapatuloy siyang maglingkod sa kagawaran at sa mga stakeholders ito sa kabila ng paghain ng courtesy resignation.
01:49Pagtugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcus Jr. ayon kay Secretary Chu Laurel na nanatili ang kanyang commitment para sa taong bayan at mas malawak na layunin ng pagbibigay ng servisyo.
02:05Ipinaubaya rin ng kalihim sa mabuting magpapasya ng Pangulo kung siya ay mananatili bilang kasapi ng kanyang gabinete habang itinutulak ang mga adhikain para sa bansa.
02:16Hindi kaya din ni Secretary Chu Laurel ang maopisyal at kawanin ng kagawaran na ipagpatuloy ang kanilang masigasing na paglilingkod para sa mga magsasaka, mangingisda at buong sambayan ng Pilipino.
02:32Lalo na sa pagtitiyak ng murang pagkain, pagpapatupad ng 20 pesos rice program at pagpapabilis ng mga proyekto para sa modernisasyon ng agrikultura at katiyakan sa supply ng pagkain.
02:46Sa ngalan ni Bernard Ferrer, Noel Talacay, para sa Pamosang TV sa Bagong Pilipinas.