Skip to playerSkip to main contentSkip to footer

Recommended

  • yesterday
Nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunugan sa Sampaloc, Maynila. Isa sa mga pahirap sa pag-apula ng apoy ang kawalan ng tubig sa fire hydrant.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masinugan sa Sampaloc sa Maynila.
00:07Isa sa mga pahirap sa pag-apulan ng apoy, ang kawalan ng tubig sa fire hydrant.
00:14Nakatutok si Jomer Apresto.
00:20Ganito na kalaking apoy ang inabutan ng mga bumbero sa bahaging ito ng M. de la Fuente sa Sampaloc, Maynila,
00:26pasado alas 12 ng hating gabi.
00:29Kaya ang ilang residente, nag-igib na ng tubig mula sa poso para makatulong sa mga bumbero.
00:35Sa bahaging ito naman, makikita pa na nagkikislapan ang mga linya ng kuryente.
00:39Ayon sa 67 years old na si Lola Iluminada, natutulog na sila nang biglang gisingin ng isa sa kanya mga anak.
00:46Bumalik ulit ako sa loob, tinawag ko naman yung ibang anak ko.
00:49Labas na kayo, labas kasi may sunog.
00:52Naglabas na na kami, wala na. Umiyak na lang ako ng umiyak kasi syempre wala na kami matitiran.
00:58Ang lahat ng gamit namin na pinunda na, na nanutag lang.
01:04Sabi ng BFP, umabot sa 70 bahay ang tinupok ng apoy at nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan.
01:13Dikit-dikit raw kasi at pawang gawa sa light material sa mga ito kaya mabilis na kumalat ang apoy.
01:18Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na tumagal ng mahigit limang oras bago na apula, dakong alas 5.44 ng madaling araw.
01:27Nasa 70 track ng bumbero ang rumesponde.
01:30Naging problema raw ng BFP ang kalapit na fire hydrant dahil wala ditong lumalabas na tubig.
01:35Gayun din naman naka-illegal parking na sasakyan at mga nakalaylay na kable ng kuryente.
01:39Hindi ko po ano alam ang ano ng Maynilad kung ano yung ano nila kung may ginagawa ba sila sa area na ito.
01:45So wala po sinubukan na pimbuksan, wala pong walaan ng tubig.
01:48So medyo naghanap po tayo ng mas palapit na fire hydrant para po makakuha tayo ng supply.
01:54Wala namang napaulit na nasugatan o namatay sa sunog.
01:57Sa pagtaon ng BFP, aabot sa 300,000 pesos ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.
02:03Nagtungo naman agad sa mga nasunugan ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare
02:08para malaman ang eksaktong bilang ng mga apektadong pamilya
02:11nang mabigyan agad ng tulong ng lokal na pamahalaan.
02:15Patuloy pa ang investigasyon ng motoridad kung ano ang pinagbulan ng apoy.
02:19Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.

Recommended