Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
Posibleng maharap sa reklamo ang mga sangkot sa pagtatayo ng mga bahay sa gilid ng isang estero sa Maynila na pinayagan ng kapitan para sa mga tauhan ng kaniyang barangay. Pina-demolish na ang mga bahay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Posibleng maharap sa reklamo ang mga sangkot sa pagtatayo ng mga bahay sa gilid ng isang estero sa Maynila
00:05na pinayagan ni Cap para sa mga tauhan ng kanyang barangay.
00:10Pina-demolish na ang mga bahay.
00:12Nakatutok si Jonathan Nandala.
00:19Pinaggigiba ng Manila City Hall ang mga itinatayo pa lang ng mga iligal na bahay sa tabi ng estero sa barangay Ocho Tondo, Maynila.
00:30Ang mga bahay para pala sa pitong kagawan, labing siyam na tanod, barangay treasurer at iba pang opisyal ng barangay.
00:40Aminado naman po ako na iligal po ang pagkakatayo namin dyan.
00:44Pero bakit pa rin po kayo nagtayo kung iligal po pala?
00:47Gusto ko naman po maanuan sana yung mga kagawad ko, tanod na kahit maliit, mabigyan ng simpleng bahay na maliit.
01:00Labing dalawang bahay sana ang itatayo na dagdag sa nakatayo ng labing apat na bahay na pinagigiba na rin sa mga residente sa loob ng pitong araw.
01:09Sobrang hirap na pitong araw bibigyan ka. Siyempre hindi ka naman na agad-agad makakakuha ng bahay na uupahan mo. Mangungutang pa.
01:19Malinis naman po kami rito at hindi naman kami patapon ng basura basta-basta eh.
01:23Hindi po galing sa barangay yung pinagpatayo niyan. Sarili, sa totoo po niyan, inutangan po nila yung pinagpatayo nila dyan.
01:31Mangutang kami tapos bigla ugigibain. Sana po matulungan kami ni Mayor.
01:36Wala namang building permit. Ina-appropriate nila sa sarili nila bilang barangay opisyal.
01:43Hindi na nga for public use, for personal use na. Walang pinagkaiba yan sa land grab.
01:50Hindi rin umubra ang katwirang pasok ang mga bahay sa 3-meter easement o layo ng bahay sa estero.
01:57E yung ba lupang kinatirikan ninyo, inyo? It's not about the easement. It's public property.
02:06Sabi naman ang DILG Manila, posibleng maharap sa reklamong abuse of authority at reklamong kriminal ang mga sangkot sa iligal na pagtatayo ng bahay.
02:15Ito po ay pag-abuso sa kapangyarihan nila kasi ginamit nila ang kanilang kapangyarihan para magtayo ng bahay doon.
02:21Pinagigiba na rin ni Yorme ang barangay hall na nasa gilid din ang estero.
02:25Dagdag niya, dapat wala nang nakatira rito dahil may nauna ng relokasyon ng mga taga rito.
02:30Yung zero barangay na yun kasi wala nang populasyon doon. Pinamumunuan nila yung sarili nila.
02:36Mahigit sanlibot limang daan ang residente rito sa tala ng City Hall at halos pitong daan ang mga butante.
02:42Malayo sa limang libong populasyon na requirement kada barangay na nakasaad sa local government code.
02:47Ipapanukala ni Yorme sa City Council na i-absorb na lang ng ibang barangay ang barangay 8.
02:53Imumungkahi naman ang DILG sa Kunseho ng Maynila na pagsamahin ang mga barangay na hindi pasok sa sinasabi ng LGU code.
03:00Sa ngayon po kasi, ang Maynila, ang kanilang budget, on the average po, nasa 5 milyon lang po per barangay.
03:11At 55% po niyan ay sahod po kaagad ng mga barangay officials po natin, mga employees.
03:19Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.

Recommended

1:36:04