Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Isang community garden, binisita ni DSWD Sec. Gatchalian sa Barangay San Isidro, San Luis Pampanga

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Food security, livelihood at disaster risk reduction.
00:05Inanlamang ito sa mga matutugunan ng isang community garden
00:08na binisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Pampanga kaninang umaga.
00:14Yan ang ulat ni Noelle Talakay.
00:18Pagtatanggal ng mga dumi at mga dabo ang ginagawa ni Jenny
00:22pagkatapos magtanim ng mga prutas at gulay sa kanilang community garden.
00:27Malaking tulongan niya ito dahil magbibigay ito ng pagkain sa kanyang pamilya
00:31at kita dahil pwede niya itong ebenta sa palengke.
00:35Magitipid po na pambili ng ulam na dapat pambibili,
00:38pwede na pong pambayad ng project ng anak ko.
00:40Bahagi si Jenny sa pagbuo ng nasabing community garden.
00:44Sa loob ng dalawampung araw,
00:46na pagtatrabaho nakatanggap si Jenny ng 10,000 piso
00:49mula sa Cash for Work program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
00:55Aminado si Jenny na malaking tulong ito sa kanya na single parent
00:59lalo na't wala siyang katuwang sa pagtustos sa pag-aaral ng kanyang tatlong anak.
01:05Actually po, before po kasi mag-school,
01:09sinakto po nilang bagong mag-school,
01:10doon po nila binigay yung sakto po mag-school,
01:13pinambili po ng gamit ng pang ano ko, bunso po.
01:16Personal na binisita ng kalihim ng DSWD
01:19ang nasabing community garden na lawa at binhi project ng ahensya
01:23sa Sityo Pasombalas, Parangay San Isidro, municipality ng San Luis, Pampanga.
01:29Ito yung proyekto namin, yung lawa at binhi,
01:31kung saan sa utos ng ating Pangulo,
01:33lagi niya sinasabi na kailangan may sapat na pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino.
01:38Sa area nito, nakatanim naman yung mga talong at kapansin-pansin.
01:42Yung mga nakatanim dito ay meron ng mga bulaklak.
01:45Ibig sabihin, malapit na itong mamunga at ayon nga sa mga nagtanim dito,
01:50after three weeks, pwede nang i-harvest ang mga talong dito
01:54at pwede na itong gamitin nilang ulam at ebenta sa mga palengke.
01:59Dito papasok ang agricultural sector, food security at livelihood ng nasabing proyekto.
02:05Naging disaster risk reduction initiative din ito,
02:08matapos malinis ang lawa dito na malapit sa community garden.
02:13Very fertile ang land dito.
02:14Kasi catch basin siya.
02:16So every year, whatever you plant, kung magsasabog ka man ng mga pesticides,
02:20nalilinis po siya ng baha at tubig.
02:22So nawawala po.
02:23And then the water brings with it new soil po from the mountain.
02:27May itinanim ding iba't ibang uri ng gulay tulad ng okra, ampalaya at gangkong.
02:32Mayroon ding prutas tulad ng papaya at saka mayroong pang kamatis at sile.
02:36150 na mga residente ng nasabing barangay ang binepisyaryo ng nasabing programa.
02:42Batay sa tala ng DSWD, nasa 2,800 na mga community garden ang naipatayo ng ahensya sa buong bansa.
02:49Noel Talakay para sa Pambasang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended