00:00Patuloy ang pagbabantay ng pag-asa sa low pressure area na nasa silangang bahagi po ng Luzon.
00:06Tuluyan kaya itong maging bagyo?
00:09Yan ang ulat ni Rod Lagusan.
00:12Posibleng maging bagyo ngayong gabi o bukas ng madaling araw ang binabantayang low pressure area.
00:18Una ng sinabi ng pag-asa na naturang LPA sa silangan ng Luzon ay may high chance na mabuo bilang bagyo.
00:23Sakaling maging ginap na tropical depression ang LPA, papangalanan itong Bising.
00:28We're seeing naman na halos similar lang din yung senaryo, maging low pressure area man siya or maging isang mahinang bagyo.
00:35Mainly, ulan yung nakikita natin na efekto dito sa may northern Luzon, lalo na sa may Cagayan Valley.
00:40We're expecting mga light to moderate with a time sa heavy rain.
00:44Very noticeable kasi na magiging halos mabagal yung pagkilos niya so may mga areas na mabababad nga sa malalakas na ulan.
00:52Kung maging ganap na bagyo, asahan na rin ang pagkakaroon ng pagbugso ng hangin.
00:56Inaasaan din na may paggilan ng hangin nga bagat, LPA man ito o isang bagyo, kusat apektado ang natitirang bahagi ng Luzon at Western Visayas.
01:05Oras na maging bagyo ito, magtataas na rin ng tropical cyclone wind signal number one ang pag-asa.
01:10Most likely, masasakop ng kabuan ng bagyo yung ilang bahagi ng northern Luzon, lalo na itong Batanes, Cagayan, Isabela.
01:17So possible na dun sa mga areas na yun tayo magsimulang mag-start na mag-raise ng signal number one.
01:22Nakikita ng pag-asa na hanggang biyernes magiging mabagal ang pagkilos nito palapit sa extreme northern Luzon, particular na sa Batanes, Cagayan area.
01:30Dalawang senaryo ang tinitingan ng pag-asa na posibleng mangyari matapos nito.
01:34Meron tayong crossing possible dito sa may extreme northern Luzon pagsapit ng Friday hanggang weekend.
01:39And then pagsapit ng ikalawa nating senaryo, meron namang chance na lalapit lang siya dun sa may extreme northern Luzon tapos sa kalilihis ng direction.
01:49Which is, hindi na siya nakikita magla-landfall, didikit lang dito sa may Batanes tapos papunta na ng southern Japan.
01:56Patuloy naman na nakaka-apekto ang hanggang abagal sa central Luzon, southern Luzon, Metro Manila, Visayas hanggang Mindanao, lalo na sa Mimaropa, Sambales at Bataan.
02:04Samantala, may tropical depression na binabantay ng pag-asa na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
02:10Pero, inaasa na hindi na ito makaka-apekto sa bansa.
02:13Ngayong buwan ng Hulyo, posibleng dalawa hanggang tatlong bagyo ang mamuo o pumasok sa par ayon sa pag-asa.
02:19Rod Lagusad, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.