Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Sa isang recycling facility sa Laguna, dinadala ang iba't ibang klase ng e-waste o electronic waste mula sa luma at sirang appliances tulad ng picture tubes ng mga lumang telebisyon.


Tunghayan sa video ang prosesong pinagdadaanan ng mga electronic waste upang ma-dispose nang ligtas at maayos.


Panoorin ang ‘Baklas Queen,’ dokumentaryo ni Atom Araullo sa #IWitness.
FULL EPISODE: https://youtu.be/O7tv9o-QoCg

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa isang pasilidad sa Calambal, Laguna, dinadala ang mga sirang TV mula sa Longos at iba pang lugar sa Metro Manila.
00:17Ipinakita sa akin ng supervisor na si Jonathan kung paano nire-recycle ang e-waste sa kanilang planta.
00:30So, babakasin yung TV. So, iniingatan talaga nila yung tube na hindi talaga mabasag.
00:35So, yung may tanso. So, yun yung yuk. So, yun yung pinagkaabalahan ng mga mababakas kasi yan ang may halaga.
00:48Pero kahit dito, hindi pa rin ginagalaw yung mismong picture tube.
00:54Ipinapasa pa ito sa ibang planta upang idispatch siya ng maayos.
00:58Ganun siya kadelikado.
01:03Ang mga PCB o Printed Circuit Board mula sa TV, may ilang hakbang pa na kailangan pagdaanan.
01:16So, yung PCB, yung board, yun po yung ika-crush after nung ma-dismantle.
01:22Ika-crush natin. After ma-crush, dadaling din dun sa treatment.
01:28Ang durog na TV isasalang na sa isang malaking makina na malahorno.
01:42Lulutuin nito sa mataas sa temperatura ng ilang oras.
01:46So, ito na yung last process niya.
01:49Okay.
01:50So, ayan, kinikilo pa rin para alam natin yung ilang kilo yung pumasok versus dun sa output.
01:56I see.
01:57Ano pa yung main product na kinukuha natin dito? Anong main raw material?
02:02Yung copper po.
02:03Copper, tanso?
02:04Tanso, yes.
02:05Oo, tanso.
02:12Kapag natapos na ang proseso, ito ang resulta.
02:17Ito yung copper niya.
02:19Ito yung tanso?
02:20Oo.
02:21Yan yung na-recover na copper.
02:30Tamang galing, kaalaman, at makinarya ang kailangan sa e-waste disposal dahil sa mga panganib nito sa kalusugan.
02:37Yung plastic casing ng mga lumang TV?
02:42May mga lason pala ang mga ito.
02:45Gaya ng polybrominated diethyl ethers o PBDE, isang flame retardant na may bromine.
02:52At heavy metals tulad ng lead, arsenic, at chromium.
02:58Gamit ang isang scanner, pinatunayan nito ni Jonathan.
03:02So, ganyan ang pag-test, ilalapat lang siya talaga.
03:08So, hintayin ng 10 seconds.
03:11Okay, complete.
03:13So, i-check natin yung result niya.
03:16Ang bromin is 148,000?
03:19O, 148,640.
03:23So, ang acceptable lang is 1,000 below.
03:27So, sobrang taas niya.
03:28Ang tamang disposal ng e-waste, hindi lamang para sa kalusugan, mabuti rin ito sa kalikasan.
03:38Dahil ang lason mula sa e-waste, masama para sa mga halaman at hayop.
03:43Bukod dito, malaking tulong ang pag-recycle para mabawasan ang pangangailangan sa mga hilaw na materyales.
03:51Gaya ng tanso at ginto na kailangan minahin.
03:55Para hindi na yung iba nating kababayan mag-hukay pa ng ginto.
04:00Kasi pwede naman palang i-recycle galing sa mga appliances na hindi na pwedeng magamit.
04:06Kasi yung pag-hukay ng mga metals, may hangganan din yan, yung mining.
04:11Oo, pag naubos, wala na tayong minerals mawukuha.
04:16Maraming salamat sa panunod ng eyewitness, mga kapuso.
04:20Anong masasabi nyo sa dokumentaryong ito?
04:22I-comment na yan at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Public Affairs.

Recommended