Kahit nauso na ang makabagong teknolohiya, hindi pa rin bumibitaw sina Tatay Danny at Clinton sa tradisyunal na pagkuha ng mga litrato.
Si Tatay Danny, kahit hirap nang maglakad at malabo na ang paningin, tuloy pa rin sa hanapbuhay. Si Clinton naman, abala sa pangangalaga ng kanyang box cameras—ang ‘lolo’ ng mga camera. Noon, sila ang bumubuo ng mga alaala. Ngayon, paalala sila na may ganda pa rin ang sining ng nakaraan.
Panoorin ang ‘Kamerang de Kahon,’ dokumentaryo ni Atom Araullo sa #IWitness.