Si Federico “Pedring” Caballero ay anak ng isa sa pinakahuling binukot sa kanilang komunidad. Bagamat hindi babae, pinili niyang pag-aralan at itaguyod ang Sugidanon—ang sinaunang epikong inaawit ng mga binukot.
Layunin ni Tatay Pedring na buhayin at ipamana ang kanilang kultura sa kabila ng pagkawala ng mga binukot.
Mahigit dalawampung taon na mula nang maitampok siya sa dokumentaryong “Ang Huling Prinsesa.” Natupad na kaya ang kanyang pangarap na maipasa ito sa bagong henerasyon?
Panoorin ang ‘Binukot,’ dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness.