Si ‘Kuya Tabo’ ang isa sa pinakamatanda sa loob ng Hospicio de San Jose. Isa rin siyang sakristan at naglilingkod sa loob ng simbahan. Tulad ni ‘Kuya Beda,’ inabandona rin siya ng kanyang mga magulang at hindi na binalikan.
Pero sa loob ng bahay ampunan, natagpuan niya ang kalinga ng isang ina kay Sister Leonor. Natutuhan niya na hindi lamang sa magulang matatagpuan ang pagmamahal.
Panoorin ang ‘Ang Mga Anak ni San Jose,’ dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness.