00:00Samantala, inaasahan naman ang mas maayos na biyahe ng mga commuter ng tren mula Camarines Sur patungong Quezon Province.
00:08Ito'y kasunod ng pagsasayos ng Binahan Bridge sa Ragay Camarines Sur matapos masira dulot ng Bagyong Christine.
00:16Ayon sa Philippine National Railways o PNR, pinalitan din ang mga tradisyonal na kahoy na riles para mas maging matibay ito.
00:25Ayon pa sa PNR, ang mga pagsisikap na maisaayos ang tulay ay pagtugon sa direktiba ni Pangunong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang rehabilitasyon ng South Operations.
00:39Dagdag ng ahensya, mahalagang hakbang din ito sa pagpapalawak ng operasyon ng PNR para sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga residente sa Southern Tagalog at Bicol Region.