00:00Nito lamang ikawalo ng Hunyo, ipinagdiwang natin ang World Oceans Day at samot saring organisasyon ang nagsagawa ng kanya-kanyang inisiyatibo para tugunan ang mga problema sa ating karagatan.
00:10Narito panuuri natin lahat.
00:18Alam niyo ba na ayon sa United Nations, ang daigdig ay nababalot ng 70% na karagatan.
00:2550% na kabuo ang oxygen ng ating planeta ay galing din sa malawak na anyong tubig na ito.
00:35Ngunit sa pagdaan ng panahon, marami ang umabuso. Hindi na pinangalagaan ang karagatan at ang mga nabubuhay rito.
00:55Kaya naman bilang hakbang sa pagsalba nito, itinakda ang ikawalong araw ng Hunyo bilang World Oceans Day, isang araw ng pagkakaisa at sabayang aktibidad para sa ikalilinis ng ating mga karagatan.
01:09At para suportahan ng dakilang layunin na ito, isang coastal clean-up drive ang pinangunahan ng isang major mall chain sa Pilipinas.
01:16Itong celebration na ito ay isang parte ng malaking commitment sa environmental sustainability.
01:22Nilalayo natin sa celebration ito, we will be able to solidify our commitment by cleaning our coastlines kasama po ang ating mga members of the community dahil we want to empower them.
01:33Ang World Oceans Day ay daan din para maipabatid sa publiko ang mga pangmatagalang epekto ng hindi tamang pag-aalaga sa ating karagatan.
01:41Naniniwala kami na yung big participation ng ating mga communities ay nagsisimula sa talagang awareness at alam nilang malaki yung kanilang involvement sa problemang ito.
01:52Lahat ng mga nakita nating basura sa coast ay sanhirin ng hindi magandang pag-dispose ng basura.
01:58Nag-uumapaw na suporta ang ipinakita ng mga dumalo sa nasabing pagtitipon.
02:02Nariyan ang mga estudyante, water concessionaire, LGUs, maging ang Boy Scout of the Philippines, higit lalo na ang mga kawani at empleyado ng nasabing kumpanya.
02:17Isa sa mga objectives ng Maynilan ay maprotektahan yung mga water sources natin para hindi masira yung pinagkukuna natin ng tubig.
02:25Sobrang mahalaga po ito especially our campuses by the bay so ibig sabihin gusto po talaga namin ang aming mga estudyante ay very involved sa mga ganitong klaseng programa patungkol sa ating kalikasan.
02:36Mahalaga rin ang naging partisipasyon ng mga kabataan sa coastal cleanup na isinagawa sapagkat ito ang magiging pundasyon sa mas malawak pang hakbang tungo sa ikalilinis ng ating karagatan.
02:47Sa mga kaedaran ko na nagtatapunan sa mga hindi naman dapat tapunan, so ini-encourage namin kayo na gawin nyo yung activity like this na nakakatulong or mas mapapaganda pa yung nature natin.
03:01Ang World Oceans Day ay nagpapaalala na ang bawat isa ay may tungkulin para protektahan ang ating kapaligiran at ingatan ang ating karagatan.