00:00Dismayado ang ilang kongresista sa pagkakaurong ng pecha ng presentasyon ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.
00:09Sa isang bagong survey, lumabas namang mayorya ng mga Pilipino ay nais ng magpaliwanag ang Vice Presidente ukol sa issue.
00:16Iyon ang ulat ni Mela Lesmora.
00:20Nais ng mayorya ng mga Pilipino na sagutin na ni Vice President Sara Duterte
00:25ang impeachment case na inihain ng Kamara laban sa kanya at lahat ng isyong may kaugnayan dito.
00:31Yan ay base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations nitong May 2 hanggang May 6 na kinamisyon ng Strathbase Group.
00:39Sa ilalim ng survey, 68% ng respondents ang nagsabing dapat lang na magpaliwanag na ukol dito ang Vice Presidente
00:47at 20% naman ang nagsabing marahil ay napapanahon na nga ito.
00:52Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega, katulad ng taong bayan, gusto na rin nilang mabigyang linaw ang issue.
01:00Kaya't sana'y masimulan na ang impeachment trial sa lalong madaling panahon.
01:05May impeachment na at this is the best forum na mabuksan yung mga issues na yan at mailatag
01:11at kung paano nila papaliwanan, saka i-explain. Kasi sabi ko nga, yung mga pangalan pa lang ng naglalabas sa confidential disbursement,
01:21eh, yung the way they handled it, red flag talaga yan. As per COA.
01:27Sa darating na June 2, itinakda na sana ang pagbabasa ng Articles of Impeachment laban sa Vice Presidente
01:34pero iniurong yan ng Senado sa June 11. Ikinadismayaya ni Ortega bagamat iginagalang daw nila ito.
01:42Well, may delay. Hindi ko alam kung tactic po nila yun, pero may delay talaga.
01:49Tayo naman po, eh, sabi ko nga, kailangan optimistic ka kahit pa paano.
01:54At saka, sabi ko, panindigan nila yung pinadala nilang huling letter, pati yung schedule po na alas 4.
02:03Dapat po siguro, wala na pong kahit na ano pang delay after that letter.
02:11Kasi last day na rin po yun. So, we can't afford dramatic changes doon rin po sa mga time na to.
02:19Sa panig naman ng House Prosecution Team, ikinalungkot din ito ng isang prosecutor na si House Deputy Majority Leader Lawrence Defensor.
02:27Hiling niya, sana'y huwag nang magkaroon pa ng panibagong delay dahil tiyak na makakaapekto na ito sa schedule ng paglilitis.
02:35It's very bad for democracy. It's not a good reflection of how the Senate wants to proceed with this impeachment trial.
02:43I am disheartened because the delay has been long enough.
02:47But as a lawyer in any court, the defense as well as the prosecution will have to abide by whatever the court will decide on.
02:56And whatever order or whatever process the Senate court will issue. So, tatanggapin namin yun.
03:03Kumpiyansa naman ang mga kongresista na kahit pa umabot sa 20th Congress ang paglilitis, hindi umanong magkakaproblema rito.
03:13Sa lunes, nakatakdang magbaliksesyo ng kongreso at inaasang magbibigay rin dyan ng aktis ang mga mambabatas ukol sa impeachment.
03:21Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.