Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/20/2025
Kamara, nilinaw na hindi sila ang naghain ng panibagong reklamo laban kay VP Sara Duterte sa Ombudsman

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umaasa ang kamera na tuloy-tuloy ang paggulo ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
00:06Kahit may hinaharap siyang panibagong reklamo sa ombudsman, paglilinaw ng kamera, hindi sila ang naghain ito.
00:14Yan ang ulat ni Mela Les Moras.
00:18Nilinaw ni House Spokesperson Attorney Princess Avante na hindi naghain ang reklamo ang kamera laban kay Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman.
00:28Ito ay matapos atasan ng ombudsman ang Vice Presidente at iba pang personalidad na magsumite ng kanilang counter-affidavit,
00:36kaugnay sa mga kasong plunder, falsification of public documents, technical malversation, bribery at betrayal of public trust na inihain laban sa kanila.
00:46Ayon kay Atty. Avante, nagbigay lang ng report ukol dito ang kamera alinsunod sa rekomendasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
00:55Kung may direkta mang inihain reklamo ang kamera, yan anya ang impeachment complaint laban sa Vice Presidente sa Senado.
01:03Hindi ang House ang nag-file ng complaint.
01:07So, ang in-initiate lang ng House ay yung impeachment trial through the transmission of the articles of impeachment.
01:15The committee report, the action of the Ombudsman was upon the recommendation of a committee report from the House of Representatives.
01:27So, we are looking forward pa rin for the impeachment trial to proceed.
01:36Sa ngayon, iginiit ni Atty. Avante na nakahanda na at patuloy pa rin ang paghahanda ng House Prosecution Team para sa impeachment trial.
01:45Paglilinaw niya, hindi naman nila inaaway ang Senate Impeachment Court sa gitna ng palitan ng matitinding payag ng dalawang kapulungan ng Kongreso hinggil sa issue.
01:55Wala namang kaming inaaway. Kami lang ay ini-emphasize lang namin kung ano ang naging tungkulin namin at nagawa na namin, inaantay na namin na gawin ng Senado ang kanila namang obligasyon at responsibilidad.
02:10Siguro din, ang ating spokesperson, huwag din magsalita bilang parang sa depensa. Do not speak for the defense. Speak for the impeachment court.
02:20Kung si Sen.-elect Erwin Tulfo naman ang tatanungin, handa raw siyang mamagitan sa Kamara at Senado.
02:27They gave me a good idea. I'll try. I'll talk to the House leadership siguro today or tomorrow. So, ceasefire na lang muna siguro para kasi nag-aaway.
02:40Medyo hindi rin maganda tingnan. Diba, nagbabangayan yung dalawang grupo, nagsisihan. So, I might do that.
02:46Una ng pinuri ni House Minority Leader Marcelino Ribanan na isa sa mga miyembro ng House Prosecution Team,
02:53ang mga Sen. Judge na hindi nag-iingay ukol sa impeachment sa ngalan ng professionalism.
02:59Sana itularan-a niya ng iba pa ang proper decorum na ito at hayaan ang konstitusyon na manaig.
03:06Pagdidiin ng Kamara, lagi't-lagi, tanging katotohanan at hostisya lamang ang nais nilang mapanaig.
03:13Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended