00:00Pinututukan ng National Electrification Administration ang pagbibigay ng kuryente sa mga liblib at malalayang lugar sa bansa.
00:08Target po nitong pailawan ang mga sityo, bundok at last mile schools gamit ang traditional at solar power systems.
00:17Ayon po kay DBM Secretary Amena Pangandaman, malaking tulong ito para maisakatuparan ng layuni ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:24na maabot ang total electrification sa buong bansa pagsapit ng 2028.
00:30Sinabi rin ng DBM na makatutulong ang proyekto sa pagpapalago ng kabuhayan sa mga probinsya at pagpapalawak ng internet connectivity sa mga paaralan at komunidad.
00:42Meron tayong mga solar home system na talagang ilalagay natin sa mga bahay na napakalayo na hindi talaga maabot ng kuryente.
00:54At ito ay may 40 watt capacity na makapagbibigay ng 4 o 5 light bulb, cell phone charger, 1 electric fan at TV.
01:09Ang target namin ay this year maka 50,000 to 60,000 units tayo.
01:17Nakapag-roll out na kami, nakapag-roll out na kami ng mga I think nasa almost 20,000.