00:00Malapit ng matapos ang Bucana Bridge Project sa Davao City na bahagi ng Build Better More Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09para makapaghatid ng modernong infrastruktura sa buong bansa.
00:12Yan at iba pang detalya sa ulat ni Angelica Toyama.
00:19Pasok na sa huling yudto ng konstruksyon ang Bucana Bridge Project sa Davao City ayon sa Department of Public Works and Highways.
00:26Umabot na sa 85% ang natatapos sa 1.34 km na tulay na inaasahang bubuksan sa trafico pagsapit ng November 2025 na mas maaga sa orihinal na schedule.
00:39Ito ay ang proyekto na nagkakahalaga ng 3.126 billion pesos na pinonduhan ng China.
00:47Ipaparating ng Department of Justice sa pamahalaan ng Netherlands na walang political persecution ang pagsasampa ng human trafficking case laban kay Atty. Harry Roque.
00:56Ayon kay DOJ Undersecretary Nicholas Felix T., isang kasong kriminal na may kinalaman sa iligal na operasyon ng Pogo sa Porak, Pampanga ang kinasasangkutan nito.
01:06Umabot na sa 10,000 ang mga hinihinalang trolls na namonitor na nagpapahayag ng pagtutol sa pag-aki ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
01:15Ayon kay PCG Spokesperson for WPS Commodore J. Tariela, ang nasabing trolls ay nasa tatlong antas na influencer o initiator, disseminator at reporter.
01:27Inilunsad naman ng Philippine National Police ang isang kumite na binubuo ng iba't-ibang ahensya para labanan ang paglaganap ng fake news.
01:37Ayon kay PNP Chief Police General Romel Marbil, layo nito na panugitin ang mga fake news peddler at bumuo ng framework para itake down ang mga maling impormasyon online.
01:47Iniutos ng Malacanang ang pagdidismiss kay National Commission of Senior Citizens Commissioner Raymar Mansilungan matapos magkaroon ng kasong administratibo.
01:59Kinasuhan si Mansilungan ng serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.
02:06Angelica Toyama, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.